Tuesday , April 22 2025
CIA with BA Boy Abunda Cayetano

Expectation vs. Reality’: Mga mamimili binalaan sa mapanlinlang na online sales practices

SA panahon ngayon, hindi lahat ng nakikita sa internet ay totoo. Kaya naman pinaalalahanan ng CIA with BA ang mga manonood na maging matalinong mamimili at alamin ang kanilang mga karapatan para hindi maloko.

Ibinahagi ni Ricca mula sa Mariteam ang karanasan sa pag-order ng fleece blanket online at nang dumating hindi iyon tulad ng inaasahan niya.

“Naghihimulmol siya. So nag-file ako ng report [pero] walang response sa ‘kin ‘yung seller. [Ngayon], naka-pending ‘yung transaction ko ng refund,” aniya.

Ganito rin ang naranasan ni Manilyn nang umorder siya ng burger online. Ayon sa kanya, sa larawan ay tila marami itong palaman, ngunit nang dumating ang order, malayo ito sa kanyang inaasahan.

Ipinaliwanag nina Senador Alan Peter Cayetano at mga legal expert ng programa na ang kanilang mga kaso ay saklaw ng Consumer Act of the Philippines.

“Ito ‘yung batas na nagpoprotekta sa mga mamimili, whether online or sa mga palengke or supermarket. ‘Yan ang pinaka-major na batas natin para riyan,” paliwanag ni Atty. Mark Devoma.

Ayon kay Atty. Devoma, ang mga insidenteng ito ay halimbawa ng deceptive sales practices.

“Prohibited syempre na linlangin mo, in-advertise mo, in-embellish mo too much to the point na medyo nade-defraud na ‘yung mga umorder, so deceptive na ‘yon,” aniya.

Upang maiwasan ang ganitong panloloko sa online shopping, pinapayuhan ang mga mamimili na:

*Siguraduhing lehitimo ang seller – Bago bumili, suriin ang ratings, reviews, at feedback ng ibang customers.

*Basahing mabuti ang produkto at patakaran ng seller – I-check ang product details, return/refund policy, at terms ng seller.

*Gumamit ng secure na payment method – Mas mainam kung may buyer protection ang payment platform na gagamitin.

*Mag-document ng transaksyon – Kumuha ng screenshots ng product listing, order confirmation, at usapan sa seller bilang ebidensya.

*I-report ang panloloko – Kung hindi tumugon ang seller, maaaring idulog ito sa e-commerce platform o sa Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng kanilang Consumer Protection Division.

Binigyang-diin ni Senador Alan Cayetano ang kahalagahan ng mas mahigpit na pagpapatupad ng Consumer Act para mas maprotektahan ang mga mamimili, lalo na ngayong patuloy ang pagdami ng online transactions.

Ang CIA with BA ay nagpapatuloy sa legasiya ng yumaong Senator Rene Cayetano at mapapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, na may replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m..

About hataw tabloid

Check Also

Sam Verzosa

3-k ni SV sagot sa kahirapan ng Maynila 

RATED Rni Rommel Gonzales TUMATAKBO bilang mayor ng Maynila, tinanong si Sam Verzosa o SV, kung ano …

Ian de Leon Nora Aunor

Ian ibinahagi huling mensahe ng ina

MA at PAni Rommel Placente AYON kay Ian de Leon sa panayam sa kanya ng 24 Oras, acute respiratory …

Sheryl Cruz

Sheryl sunod-sunod pagkilalang natatanggap

MA at PAni Rommel Placente SUNOD-SUNOD ang acting awards na natanggap ni Sheryl Cruz mula sa iba’t …

Vilma Santos Nora Aunor 2

Vilmanian kami subalit may respeto kapag nagkikita ni Nora

I-FLEXni Jun Nardo HAPPY Ester to all Hataw readers! Back to reality kahit na nga may lungkot …

Janine Gutierrez Pilita Corrales Nora Aunor Lotlot de Leon

Lotlot at Janine magkasunod na dagok dumating sa buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DOBLENG dagok din para sa mag-inang Lotlot de Leon at Janine Gutierrez ang pagkamatay ni Nora …