Friday , April 18 2025
TRABAHO Partylist 106

Para sa proteksiyon ng mga manggagawa
TRABAHO Partylist nagmungkahi ng media literacy at tutok vs fake news

BINIGYANG-DIIN ng TRABAHO Partylist ang mahalagang papel ng media literacy at ang paglaban sa fake news bilang bahagi ng pagsulong ng nation-building at paglikha ng mga trabaho lalo ngayong panahon na mabilis na kumakalat ang impormasyon sa mga digital platform.

Ayon sa partido, ang isang maalam na publiko ay susi upang magtaguyod ng napapanatiling pag-unlad at makalikha ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga Filipino.

Ang TRABAHO Partylist ay nagsusulong ng patuloy na integrasyon ng mga programang media literacy sa mga sistema ng edukasyon upang mabigyan ng tamang kasanayan ang kabataan sa epektibong pag-navigate sa digital na mundo.

Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kritikal na pag-iisip, magkakaroon ng kakayahan ang mga indibiduwal na matukoy ang maling impormasyon, propaganda, at fake news, kaya’t makabubuo ng isang lipunan na pinahahalagahan ang katotohanan at kawastohan sa pampublikong diskurso, ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist.

Naniniwala ang partido na ang isang maalam na populasyon ay makagagawa ng mas mahusay na desisyon sa iba’t ibang aspekto ng buhay, kabilang ang mga pagpili sa trabaho. Partikular na iniugnay ng TRABAHO Partylist ang media literacy sa pagpapalakas ng mga naghahanap ng trabaho.

“Sa pagkakaroon ng kakayahan na makilala ang mga maaasahang impormasyon, magiging handa ang mga naghahanap ng trabaho na makahanap ng mga oportunidad, maunawaan ang mga trend sa labor market, at maiwasan ang pagiging biktima ng mga scam na job advertisements,” dagdag ni Atty. Espiritu.

About hataw tabloid

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …