MARAMI ang nagulat sa ipinahayag ng Frontrow International, ang pagpapahinto o hindi na pagbebenta ng kanilang flagship product, ang Luxxe White.
Trending agad sa social media ang announcement lalo’t reinforced pa ito ng isang malaking, “Paalam, Luxxe White” (Goodbye, Luxxe White) billboard sa EDSA-Guadalupe.
Sa ngayon, tikom pa ang mga bibig ng mga may-ari ng kompanya, ang actor-producer na si RS Francisco at ang Manila mayoral candidate na si Sam Verzosa (SV)—kaya naman ‘di talaga makapaniwala ang fans, loyal supporters, at industry insiders.
Wala pang nakaaalam kung ano ang tunay na dahilan at patuloy ang mga kung ano-anong espekulasyon sa business community.
Seryoso ang mga tanong sa biglaang pagtigil sa pagbebenta ng Luxxe White. Bakit nga ba biglaang mawawala ang flagship product ng isang major health and beauty empire, na minsan ding pinuri bilang isang pionner sa industriya?
Sa nakalipas na 15 taon, napanatili ng Luxxe White ang posisyon nito bilang isang market leader na nakuha ang tiwala ng mga loyal na costumers ‘di lamang dito sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang panig din ng daigdig.
Ilan lamang sina Regine Velasquez-Alcasid, Cha Eun-Woo, Gretchen Barretto, Jinkee Pacquiao, Sachzna, Cristine Reyes, Daniel Padilla, Miss Universe 2018 Catriona Gray, at Vice Ganda, sa mga nag-endoso ng life-changing benefits ng Luxxe White, kaya naman mas lalo pang tumibay ang kredebilidad at pagiging epektibo nito.
Habang patuloy ang bulungan sa health and beauty industry, hindi pa rin binabasag nina RS at Sam ang kanilang katahimikan habang naghihintay ang publiko sa sagot sa tanong ng lahat: bakit tahimik ang Frontrow sa pagbigay ng malinaw at kongretong sagot na magpapaliwanag sa shutdown ng Luxxe White?