Sunday , November 9 2025
Elaine Manalang Bautista Jose Eduardo Miranda Carlos Mary Mitzi Cajayon -Uy

Cajayon sinampahan ng kaso sa Ombudsman

SINAMPAHAN nina Elaine Manalang Bautista  at Jose Eduardo Miranda Carlos, pawang mga residente sa lungsod ng Calooocan ng kasong katiwalian at misconduct si 2nd District Representative Mary Mitzi Cajayon -Uy sa tanggapan ng Ombudsman.

Ang pagsasampa ng kaso ng dalawa ay nag-ugat nang ilang beses nilang mapanood ang pahayag ng kongresista sa pamamagitan ng live videos sa kanyang social media page na lantaran nitong inaamin ang kanyang gawain na maliwanag na paglabag sa ethical at legal standards for public officials.

Kinukuwestiyon din ng dalawa ang partipiasyon ni Cajayon sa pamimigay ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na anila’y trabaho ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at hindi bahagi ng kanyang trabaho bilang isang mambabatas.

“‘Yung halimbawa, ‘yung nilabas ko ‘yung mga higher official nagreregalo ako… nagbubunga ‘yun. Kasi tayo ‘yung inuuna nila sa payout,” bahagi umano ng pahayag ni Cajayon sa kanyang recorded video noong 22 Enero 2025.

Sinabi nina Bautista at Carlos na mayroon pang mga sumunod na pahayag noong 4 Pebrero at 6 Pebrero ng taong kasalukuyan.

Desmayado sina Bautista at Carlos sa nagiging asal at hakbangin ni Cajayon na hindi mabuting halimbawa para sa isang lingkod bayan sa harap ng mga mamamayan.

 Dahil dito hiniling nina Bautista at Carlos sa Ombudsman na imbestigahan ang paglabag ni Cajayon-Uy sa kanyang misconduct at paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corruption Practices Act (RA 3019).

Gayondin nais imbestigahan ng dalawa kung sino-sinong mga opisyal ng DSWD ang sangkot sa ginawang pag-treat at nakatanggap ng regalo mula kay Cajayon.

Binigyang-linaw nina Bautista at Carlos na walang nakiusap sa kanila at nag-utos para sampahan ng kaso ang kongresista.

Bukod dito, wala ring kaugnayan sa politika ang kanilang inihaing kaso kundi ang gusto lamang nila ay hustisya at panagutin ang may sala sa batas, isang opisyal man o hindi.  (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Isko Moreno sewage treatment plant Manila Bay Sunset

Yorme Isko nagmungkahing ilipat sa CCP
PLANTA NG ‘EBAK’ SA ROXAS BLVD., BAHURA SA MANILA SUNSET VIEW

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and Department of Public Works and Highways …

Malabon Police PNP NPD

E-trike driver kulong sa rape

NALAMBAT ng Malabon City Police sa ikinasang manhunt operation ang nagtagong e-trike driver matapos isyuhan …

dead gun

Sa Sampaloc, Maynila
MIYEMBRO NG COAST GUARD TODAS SA BOGA NG KASUNTUKAN

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek …

110625 Hataw Frontpage

Sa pananalasa ng bagyong Tino
UMAKYAT SA 98 BILANG NG PATAY SA CEBU

UMABOT na sa 98 ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Cebu isang araw matapos …

NUJP PTFoMS

PTFoMS, iimbestigahan banta ni Patidongan laban sa TV reporter

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa sinabing pagbabanta ni …