Saturday , March 22 2025
Flood Baha Landslide

Sa La Paz, Leyte
6 magkakapamilya nakaligtas sa landslide

HIMALANG nakaligtas ang anim na magkakapamilya matapos gumuho ang lupa sanhi ng malakas na pag-ulan dahil sa shear line sa Brgy. Bocawon, bayan ng La Paz, lalawigan ng Leyte, nitong Lunes, 10 Pebrero.

Naganap ang landslide dakong 10:00 ng umaga nang bumigay ang lupa sa bundok kasunod ng pag-apaw ng ilog at pagbaha sa dalawang bahay.

Ayon kay Domingo Ero, Jr., isa sa mga nakaligtas, nasa loob ng bahay ang kaniyang asawa, dalawang manugang, at kaniyang bagong silang na apo, nang makarinig sila ng malakas na tunog kasunod ang pagragasa ng lupa at tubig.

Nagawang makatakbo ni Ero at ng kaniyang anak na lalaki na parehong nag-aayos ng kanilang kopra, ngunit hindi nagawang makalabas ng kanilang mga kaanak na nasa loob ng bahay.

Matapos ang ilang minuto, nasagip ni Ero ang kaniyang asawa, mga manugang, at apo mula sa nawasak na bahay.

Bukod sa mga galos, walang matinding pinsala ang inabot ng magkakanak.

Ayon kay Brgy. Chairman Jerry Pamat, hindi bababa sa 60 kabahayan ang apektado ng landslide dahil binaha ang nag-iisang kalsadang daanan patungo sa kanilang barangay.

Pinayohan niya ang mga residente na huwag tatawid sa bahang kalsada dahil maaaring mayroong mga live wire at malakas na current na magiging sanhi ng mga aksidente.

Ayon kay Soriano Armenio, Jr., Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO), hindi pa rin stable ang lupa sa pinangyarihan ng landslide at ikinokonsiderang ilikas ang mga apektadong residente.

Samantala, suspendido ang mga klase sa lahat ng antas sa nabanggit na bayan.

Inabot ng pinsala ang Calabato Hotspring, ang pangunahing tourist destination ng bayan.

Gayondin, naiulat ang pagbaha sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, partikular sa Jipapad, Dolores, at Arteche sa Eastern Samar, at lungsod ng Tacloban dahil sa shearline.

Hindi pa rin madaanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang Arteche-Jipapad-Las Navas-Rawis Road dahil sa landslide.

About hataw tabloid

Check Also

Nadine Lustre Leni Robredo Leila De Lima

Ex VP Leni bilib kay Nadine 

MATABILni John Fontanilla “NAPAKABUTING tao ni Nadine. Ang mga paniniwala niya, matuwid. Kahit Itinuturing siyang …

Ara Mina Vico Sotto

Partido ni Ara babanggain partido ni Mayor Vico Sotto

MATABILni John Fontanilla BABANGGAIN ng grupo ni Ara Mina ang mala-pader na grupo ng nakaupong Mayor ng …

TotalEnergies

TotalEnergies Reaffirms Its Business Strategy in the Philippines

TotalEnergies Reaffirms Its Business Strategy in the Philippines TotalEnergies continues to strengthen its presence in …

AGAP Partylist Ivana Alawi

AGAP, Ivana nagkaisa para sa kapakanan ng agrikultura, at mga magsasaka 

NAGPASALAMAT ang sektor ng agrikultura partikular ang Agricultural Sector Alliance of the Philippines, Inc. (AGAP) …

GoTyme Bank opisyal na nakipag-partner sa Ph Football Feds

GoTyme Bank opisyal na nakipag-partner sa Ph Football Feds

IPINAGMAMALAKI ng GoTyme Bank ang opisyal na pakikipagtulungan nito sa Philippine Football Federation (PFF), isang …