Sunday , November 10 2024
Greco Belgica

PACC Chair Greco Belgica inendoso para alkalde ng Maynila

INENDOSO ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) at Reporma Pilipinas ang kandidatura ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica bilang alkalde ng Maynila sa eleksiyon sa 2025.

Hinimok at inendoso rin ng iba’t ibang religious groups, mga retiradong heneral, dating opisyal ng gobyerno, abogado, pinuno ng sektor at mga negosyante ang pagtakbo ni Belgica bilang alkalde ng Maynila.

Nangako si Belgica, na namuno sa PACC noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na ipagpapatuloy niya ang laban sa korupsiyon, red tape, ilegal na droga, at kriminalidad sa pangunahing lungsod ng bansa.

Nangako siyang lilinisin niya ang city hall at lilikha ng isang mas transparent at demokratikong gobyerno, gagawa ng mga trabaho at bagong industriya sa lungsod, at magbibigay ng dobleng social pension para sa mga nakatatanda, estudyante, at solo parents, sakaling manalo siya sa halalan bilang alkalde ng Maynila.

“Nais kong ibalik ang isang mapayapa, mas malinis, tapat, makatarungan, transparent, at may pananagutan na pamahalaan sa lungsod. Isang pamahalaan na nagsisilbi sa mga pangangailangan at alalahanin ng mga tao, lalo na ng mahihirap,” aniya.

“Dapat nating suriin at pasimplehin ang mga sistema at patakaran ng pamahalaan upang maputol ang burukrasya at itulak ang pagbabago ng isang mabagal, burukratiko, corrupt, at mapang-abusong lokal na pamahalaan na sumasalamin sa tiwaling pambansang pamahalaan,” dagdag niya. “Ilalapat ko ang mga konsepto at prinsipyo na aking itinataguyod sa Constitutional Convention sa ating Lungsod.”

Isusulong din niya ang malayang ekonomiya, lilikha ng trabaho, magbubukas ng mga bagong industriya, magbibigay ng malinis at makakalikasang pampublikong transportasyon sa lungsod, at tutugunan ang mga problema sa pagbaha ng lungsod.

Sinabi ni Belgica na pagagaanin niya ang pasanin ng mga nagbabayad ng buwis at mga negosyo sa lungsod at uunahin ang paglaban sa ilegal na droga, krimen, katiwalian at red tape sa gobyerno. Ang lahat ng ito ay upang matiyak ang isang mas mapayapa, malinis, maayos, at progresibong lungsod kung saan ang mga ordinaryong tao, at hindi lamang ang mga politiko ang maaaring umunlad, mangarap, at magtagumpay na lumikha ng mas magandang buhay sa lungsod. 

Makikipagtulungan din siya para sa abolisyon ng amilyar sa mga bahay at pribadong ari-arian.

Bago ang mga endoso, isinulong ni Belgica ang parehong mga plataporma bilang lead convenor ng Pilipino Tayo movement.

Ang Pilipino Tayo movement ay isang grupo na nananawagan sa gobyerno na magpatawag ng Constitutional Convention. Sa pangunguna ni Belgica, nakipagpulong sila sa mga respetadong pinuno, mga kinikilalang eksperto at intelektwal mula sa iba’t ibang industriya, at mga opisyal ng LGU para pag-usapan ang inisyatiba.

Nagsagawa rin ang grupo ng Constitutional Convention sa Cordillera Administrative Region ( CAR ) na nilahukan ng mga kinatawan mula sa lahat ng sektor at lalawigan sa bansa.

Dating nagsilbi si Belgica bilang City Councilor sa Lungsod ng Maynila at tagapangulo ng committee on Police, Peace and Order, Fire and Public Safety.

Pinamunuan, inorganisa, at itinatag niya ang Yeshua Change Agents na nanguna sa mga panawagan at pagsasanay sa LGU para sa wastong pagpapatupad ng Comprehensive Dangerous Drugs Act sa mga lungsod at lalawigan sa Filipinas.

Noong 2013, pinangunahan din niya ang petisyon na nag-abolish sa pork barrel system ng mga kongresista at ng pangulo sa Korte Suprema. Ang hatol na ito ay tinatawag na ngayong “Belgica Ruling”.

Bilang PACC chairman, pinamunuan ni Belgica ang pinakamaraming kaso na isinampa sa korte laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo, pagkakulong sa mga nasabing tiwaling opisyal, mga exposé, at nagtatag ng mga komite laban sa katiwalian sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno.

Kamakailan, lumagda ang PDDS at Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) ng isang alyansa para magtulungan sa pagsusulong ng mga parehong kandidato para sa 2025 elections.

About hataw tabloid

Check Also

Carl Balita Plataporma

Willie gustong usisain ni Dr Carl plataporma sa pagtakbo bilang senador

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISANG makabuluhang programa ang sisimulan ni Dr Carl Balita ngayong Biyernes, ang Plataporma na …

DOSTR02 conducts SalikLakbay in Search for GIs

ICYMI: DOSTR02 conducts SalikLakbay in Search for GIs

Cabarroguis, Quirino – DOST Region 02 thru the Provincial Science and Technology Office Quirino searches …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

Pet Clinic, Animal Shelter sa Vitas Honey Lacuna

Pet Clinic, Animal Shelter sa Vitas, bukas na — Mayor Honey

GOOD news para sa  pet lovers. Binuksan na ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan  ang pet …