Thursday , October 10 2024
Pia Cayetano Boy Abunda CIA with BA

Paalala ng ‘CIA with BA’: Barangay officials, maaaring mag-isyu ng VAWC protection order

MULING iginiit ng talk show at public service program na CIA with BA ang mahalagang papel ng mga barangay officials sa pagprotekta sa mga karapatan ng kababaihan at kabataan.

Sa segment na ‘Yes or No,’ itinanong ni Jabo ng Mariteam ang tungkol sa posibilidad ng pag-isyu ng protection orders sa barangay level.

Diretsong sinagot ito ni Senator Pia Cayetano ng “yes.” Ipinaliwanag niya ang kapangyarihang ibinigay sa mga opisyal ng barangay sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Republic Act 9262), na nagbibigay sa kanila ng kakayahang mag-isyu ng Barangay Protection Orders (BPOs) para maiwasan ang karagdagang pang-aabuso.

“Kapag ginawa ang batas na ito, na-realize ng mga mambabatas na sa barangay pa lang [dapat]. Hindi pwedeng ang korte lang ang magbibigay ng protection order dahil bago ka makarating sa korte, matagal pa,” paliwanag ni Senator Pia.

Binigyang diin din ni Ate Pia ang kahalagahan ng ‘Yes or No’ segment. Aniya, “Ang request ko talaga sa segment nating ito ay may matutunan tayong lahat. Sa maraming taon, lagi akong may exhibit sa Senado tungkol sa VAWC, at nagbibigay ako ng mga talumpati sa buong bansa. Kaya natutuwa ako na magagawa natin ito rito sa aking ibang tahanan, ang ‘CIA with BA,’ dahil ang layunin natin ay ie-educate ang mga tao tungkol sa kanilang mga karapatan sa batas at maging mas mabubuting tao.”

Tinapos niya ang usapan sa pagbibigay-diin sa pangangailangang magkaroon ng kamalayan tungkol sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso: pisikal, sekswal, sikolohikal, at pang-ekonomiya.

“Napakahalagang malaman ng lahat ang iba’t ibang uri ng pag-aabuso laban sa kababaihan at kabataan,” dagdag pa niya.

Ang CIA with BA ay nagpapatuloy sa legasiya ng yumaong Senator Rene Cayetano at mapapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, na may replays sa GTV sa sumunod na Sabado ng 10:30 p.m..

About hataw tabloid

Check Also

Carlos Yulo Chloe San Jose

Chloe sa mga tumatawag sa kanya ng famewhore — nakapag-build na ako ng name before ko pa makilala si Caloy

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTANGGOL ni Chloe San Jose ang sarili sa akusasyon ng  kanyang bashers, …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Alexa Ilacad Kim Ji-soo

Alexa ‘natakot’ kay Kim Ji soo

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Alexa Ilacad na sa simula ay na-intimidate siya sa leading man …

Wilma Doesnt Zoren Legaspi

Wilma ‘di naitago pagnanasa kay Zoren — Sana mai-guest tapos liligawan si dyosa

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL madalas silang magka-eksena sa Abot Kamay Na Pangarap, tinanong namin si Wilma …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …