Monday , July 14 2025
Tenement area tinupok ng apoy 1,950 pamilya nawalan ng tirahan

Tenement area tinupok ng apoy 1,950 pamilya nawalan ng tirahan

NAWALAN ng tirahan ang hindi bababa sa 1,000 pamilya sa sunog na umabot sa ikalimang alarma sa isang malaking residential area sa Vitas, Tondo, lungsod ng Maynila, nitong Sabado, 14 Setyembre.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), tinupok ang 12 gusali ng Aroma housing site, sa Vitas, ng sunog na nagsimula dakong 11:44 am kamakalawa.

Itinaas ito sa ikatlong alarma dakong 11:56 am hanggang sa ikalimang alarma bandang 12:13 ng tanghali.

Dakong 12:24 pm nang itaas ito sa Task Force Alpha, hanggang sa Task Force Bravo dakong 1:33 ng hapon.

Sa ulat ng BFP, magkatuwang na inapula ang malaking sunog ng mga tauhang sakay ng 14 fire trucks mula Manila Fire District at 17 iba pang fire truck mula sa mga kalapit na fire district.

Pilit na isinalba ng mga residente ang maililigtas pa nila mula sa sunog kabilang ang mga kagamitan sa bahay at mga alagang hayop.

Nagtungo ang mga lumikas na residente sa mga gasolinahan at sa center island ng Road 10 habang inaapula ng mga bombero ang sunog.

Nagresulta ito ng masikip na trapiko na nakaapekto sa mga truck na papasok at palabas sa mga pier ng Maynila, pati ang mga sasakyang bumibiyahe patungong Caloocan at Navotas.

Sa ulat ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, nagpadala ang Philippine Air Force 505th Search and Rescue Brigade ng helicopter na nagbuhos ng malalaking timba ng tubig upang makatulong sa pagpatay ng sunog.

Idineklarang kontrolado ang sunog dakong 6:20 ng gabi, matapos ang 13 oras mula nang magsimula ang sunog, tuluyan itong naapula dakong 12:17 am, nitong Linggo, 15 Setyembre.

Sa imbestigasyon, tinatayang P2.5 milyon ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian at pito ang naiulat na nasugatan sa sunog na tinutukoy pa ang dahilan at kung saan nagsimula.

Nagsisilbing mga evacuation center ang mga covered courts ng Barangay 105, Barangay 106, at Vicente Lim Elementary School, sa Tondo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Dave Gomez Sharon Garin

Gomez, bagong Press Secretary Garin, itinalagang Energy chief  

IPINAHAYAG ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

dead gun

Tagayan nirapido ng tandem, napadaan na katagay patay

ISANG 25-anyos na lalaki ang namatay habang sugatan ang dalawang iba pa nang pagbabarilin ng …

Marikina

Marikina LGU suportado shoe industry ng bansa

MULA noon hanggang ngayon, suportado ng Marikina City local government unit (LGU) ang kabuhayan ng …

PAGASA Bagyo LPA

Sa loob at labas ng PAR  
3 LPS INAANTABAYANAN

MASUSING binabantayan ng ­Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tatlong low pressure …

Arrest Posas Handcuff

Illegal alien may patong-patong na kaso
Utol ng economic adviser ni Duterte inaresto

DINAKIP ng mga tauhan ng Pasay City Police ang Chinese national na si Tony Yang, …