Saturday , September 7 2024
RIchard Gomez

Cong Richard umalma sa sobrang trapik sa EDSA

HATAWAN
ni Ed de Leon

HINDI na talaga nakapagpigil si Congressman RIchard Gomez dahil nabara siya sa traffic sa EDSA, nahuli siya sa kanyang appointment dahil mula lang sa Ayala Avenue NA lumabas siya mula sa bahay nila sa Forbes Park, inabot siya ng dalawang oras hanggang sa tapat lamang ng MegaMall. Matindi naman talaga ang traffic noong araw na iyon dahil nagkataong Biyernes at suweldo pa. Ganoon talaga naglalabasan ang mga tao, at talagang traffic saan ka man magpunta.

Kami nga rin sana may lakad noong araw na iyon pero paglabas namin ng Quezon Avenue at nakitang parang parking lot ang kalye, umurong na kami at muling umuwi. Tinawagan na lang namin ang kausap namin at sinabing wala kasi kaming helicopter, walang madaanang kalye dahil sa traffic.

Mabuti at ganoon lang ang kausap namin, pero si Cong Goma, hindi iinit ang ulo niyan kung hindi mahalaga ang kanyang pupuntahan.

Siguro iyon ang dahilan kung bakit nagmungkahi siyang pag-aralang muli ang traffic management sa EDSA, dahil maluwag na maluwag ang mga bus lane, wala namang gaanong dumadaan, kaya nagsabi siyang bakt hindi pag-aralang ipagamit iyon sa ibang sasakyan kung ganoong matindi na ang traffic. Hindi ninyo masisisi si Cong dahil wala naman silang nararanasang ganyang traffic sa Ormoc. Kaunti pa ang sasakyan doon ay disiplinado ang mga tao sa kalye. Rito sa Metro Manila, mapapansin ninyo na lalong nagsisikip ang traffic dahil sa mga driver na walang disiplina. Singitan nang singitan na lalo pang nagpapasikip dahil minsan dalawang lanes ang kanilang nababarahan.

Ang sinabi lang naman ni Cong ay pag-aralan kung ano ang maaaring gawin. Mabilis namang mag-react ang mga troll na kampi sa mga bus, bakit daw pakikialaman ang bus lane?

Gusto ba raw ni Cong Goma na mahirapan din ang mga commuter kung sila ay mata-traffic din?

Aba hindi lang naman si Cong Goma ang nagrereklamo riyan sa bus lane na iyan. Marami rin kaming narinig na mga taxi at TNVS drivers na nagrereklamo dahil sa bus lane. Iyong mga dating bukas na intersection at mga bukas na u-turn slot isinara ng MMDA dahil sa ipinatutupad nilang bus lane. Lalong sumikip ang traffic at lumayo ang iniikutan ng mga sasakyan. Kami nga hindi na nagpupunta sa isang membership supermarket na dati ay pinupuntahan namin, dahil pabalik wala na kaming madadaanan at para makarating ka sa Roosevelt Avenue kailangan ka pang umikot hanggang sa Balintawak. Eh kung iisipin mo ang layong iyon, tapos kasabay mo pa ang mga truck na nagdedeliver ng gulay sa palengke sa Cloverleaf at ang mga bus at ibang sasakyang galing sa NLEX hindi ka na pupunta roon at magtitiis ka na lang sa sari-sari store. Maski ang magpunta sa mga supermarket sa North EDSA ay problema na rin, ang layo ng u turn slot at kailangan kang dumaan sa masisikip na side streets sa likod ng EDSA para ka makarating sa malls. Kaya hindi na rin kami nagpupunta sa mga supermarket sa mga mall na iyon. Makakamura ka ng kaunti sa bibilhin mo, ang taas naman ng pamasahe dahil sa layo ng ikot at traffic. Nagtitiis na lang kami kahit na mahal sa mga sari-sari stores, at least hindi kami makukunsumi sa traffic at mahal na pamasahe dahil sa layo ng iniikutan dahil sa mga bus lane sa EDSA. Hindi maikakaila na ang pinaboran sa mga bus lane na iyan ay ang mga bus company lamang. Hindi rin naman practical iyan para sa mga senior citizen at PWD dahil ang taas ng kailangang akyatin para makasakay ka sa bus na nasa gitna ng EDSA. At priority pa sila maski na sa mga u-turn slot. Basta tapos na silang magsakay at magbaba, tigil na ang ibang sasakyan na kailangang mag u-turn dahil priority nga sila sa lane nila. Gaano nga ba “kalaki ang pakinabang” sa mga bus lane na iyan?

About Ed de Leon

Check Also

Boobsie Wonderland

Boobsie Wonderland ‘di nag-klik bilang sexy singer

HATAWANni Ed de Leon MANINIWALA ba kayong iyong komedyanteng si Boobsie Wonderland ay isang dating sexy singer? …

Teejay Marquez

Teejay mali ng diskarte, pagto-thong walang dating

HATAWANni Ed de Leon PARANG nagmumukha namang kawawa si Teejay Marquez, naghirap siyang nagpaganda ng katawan, …

MTRCB

PD 1986 ng MTRCB dapat amyendahan

HATAWANni Ed de Leon TINANONG ni Senador Jinggoy Estrada kung ano ang opinyon ng MTRCB (Movie and Television Review …

Tutop Romm Burlat

Direk Romm Burlat, mapansin na kaya ngayon sa Ani Ng Dangal awards?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TULOY-TULOY sa paggawa ng projects ang award-winning director na si …

Pasig City

Anti-graft posturing ni Mayor Vico  Sotto hanggang salita lang, — Tayo Pasig Movement

PASIG CITY – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na …