Sunday , November 9 2025
arrest, posas, fingerprints

2 vloggers, 17 pa, arestado sa ‘vishing’ hub sa Cavite

DALAWANG vloggers, at 17 iba pa ang naaresto ng mga ahente ng Anti-Cybercrime Group of the Philippine National Police (PNP-ACG) nang salakayin ang hinihinalang Voice Phishing (Vishing) den sa Imus, Cavite.

               Ayon kay PNP-ACG director Brig. Gen. Ronnie Francis Cariaga, isinagawa ang operasyon base sa kompirmadong intelligence report ng online scamming activities sa ibang vishing and scamming hub sa Cavite.

Ipinaliwanag ni Cariaga na ang vishing scam ay isang mapanlinang na gawain sa pamamagitan ng pagtawag sa mobile phone bilang kinatawan ng banko, at hinihikayat ang bibiktimahin na mag-update ng kanilang lumang card at ibunyag ang kanilang bank account details gaya ng credit card numbers, ganoon din ang One-Time-Pin (OTP).

“From simple vishing to spear phishing, the suspects use information obtained from credit card applications and ledgers or spreadsheets, likely taken from third-party service providers of the banks, such as Business Process Outsourcing (BPO) companies,” ani Cariaga.

“Nagagamit ng scammers ang mga nasabing impormasyon para magkaroon access at malimas ang pera ng mga biktima sa kanilang bank accounts,” dagdag ni Cariaga.

               Bitbit ang search warrant, sinalakay ng ACG operatives ang lugar at inaresto ang 19 katao na nasa loob.

               Dalawa sa mga naaresto, ayon kay PNP-ACG spokesperson Police Lt. Warren Mae Arancillo, ay mga sikat na vloggers na may libo-libong followers.

Nakompiska ang maraming SIM cards, mobile devices, laptops, assorted bank documents, ledgers, at scripts na ginagamit para makapanloko ng mga biktima.

               Ayon kay Cariaga lahat ng naarestong suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 12010, o ang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) na kamakailan ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., bilang bagong batas.

“This is the first time that the PNP ACG will file criminal charges for violation of AFASA since its effectivity,” ani Cariaga.

               Bukod sa bagong batas, sasampahan din ang mga suspek ng paglabag sa RA 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998), at RA 10173 (Data Privacy Act of 2012), kaugnay ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Araneta Xmas Tree

Nangingislap ang Araneta City sa saya ng kapaskuhan sa pag-iilaw ng iconic giant Christmas tree

MULING pinasigla ng Araneta City ang diwa ng Pasko sa taunang pag-iilaw ng kanilang iconic …

Isko Moreno sewage treatment plant Manila Bay Sunset

Yorme Isko nagmungkahing ilipat sa CCP
PLANTA NG ‘EBAK’ SA ROXAS BLVD., BAHURA SA MANILA SUNSET VIEW

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso and Department of Public Works and Highways …

Malabon Police PNP NPD

E-trike driver kulong sa rape

NALAMBAT ng Malabon City Police sa ikinasang manhunt operation ang nagtagong e-trike driver matapos isyuhan …

dead gun

Sa Sampaloc, Maynila
MIYEMBRO NG COAST GUARD TODAS SA BOGA NG KASUNTUKAN

BUMULAGTA ang isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek …

110625 Hataw Frontpage

Sa pananalasa ng bagyong Tino
UMAKYAT SA 98 BILANG NG PATAY SA CEBU

UMABOT na sa 98 ang bilang ng namatay sa lalawigan ng Cebu isang araw matapos …