Wednesday , September 18 2024
Taguig CareSpan Temasek Foundation

Taguig nakipagkasundo para sa 2 malaking health agreements

DALAWANG malalaking kasunduang pangkalusugan ang nilagdaan ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa dalawang kilalang institusyon — ang CareSpan at Temasek Foundation ng Singapore, at KK Women’s and Children’s Hospital, nitong nakaraang Biyernes, 16 Agosto 2024 sa Grand Hyatt Hotel sa BGC, Fort Bonifacio.

Layunin ng nasabing mga pakikipagkasundo na palakasin ang healthcare accessibility at paunlarin ang mga programang pangkalusugan para sa mga ina at mga anak sa lungsod.

          Ang unang inisyatiba, pinamumunuan ng CareSpan Asia Inc., sa pakikipag-ugnayan sa Temasek Foundation, ay isang pilot program na pinagsama-sama ang multiple stakeholders na Public-Private-Philanthropic Partnership (PPPP) upang ilulan ang 350,000 higit na nangangailangang mamamayan sa Taguig City. Sa ilalim nito, tutulungan ng CareSpan ang Taguig City na magkaroon ng abanteng Digital Health care platform.

Sa platapormang ito (binubuo ng electronic medical records (EMR) system at telemedicine), titiyakin ng CareSpan na ang mga target beneficiaries ay makapasok sa may kalidad na serbisyong medikal sa ilalim ng healthcare program ng Taguig.

Habang ang Temasek Foundation ng Singapore ay susuporta sa inisyatibang ito sa pamamagitan ng S$2.12 milyong pondo upang tiyakin ang pagpapatuloy ng programa at potensiyalidad na maibahagi sa ibang lokalidad.

          Sa bahagi ng Taguig City, magsasanay ang pamahalaan ng mga volunteer at health workers na tututok sa mga komunidad na may mababang kita para itaguyod ang kamalayang pangkalusugan at hikayatin na mag-enroll sa Universal Health Care (UHC).

Binigyang-diin ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang kahalagahan ng nasabing kasunduan sa ikatutupad ng mandato ng lungsod na magkaloob ng patas na kakayahan para sa pangangalagang pangkalusugan sa lahat ng mga mamamayan.

          Aniya, “Our mission in Taguig has always been to provide equitable access to quality and affordable healthcare for all. We have pioneered programs in the country by offering comprehensive care, including nutrition, wellness, and various medical services, bringing healthcare closer to our community – sometimes even directly to their doorsteps.”

Ayon kay CareSpan Founder and Chairman Nonoy Colayco, ang papel ng plataporma sa UHC ay lumikha ng mahusay at mabilis na pagkakamit ng pangangalagang pangkalusugan.

          “CareSpan is dedicated to transforming healthcare for the underserved with the goal of ending health poverty through technology by providing Electronic Medical Record (EMR) systems and eClaims, to make healthcare more accessible and affordable. We empower health facilities by unlocking financial resources through PhilHealth Konsulta claims ensuring that even the most vulnerable communities receive the care they deserve,” ani Colayco.

Ayon kay Kee Kirk Chuen, head ng Health & Well-being ng Temasek Foundation, matagal nang Maganda ang relasyon sa pagitan ng kanilang organisasyon at ng Filipinas.

Aniya, “Our first programme was right here in the Philippines, which was to train primary and secondary school principals and teachers in educational leadership and teaching in Metro Manila. Together, over the next 17 years, we implemented more than 30 programmes in education, health, public administration, disaster preparedness and response.”

Dagdag pa niya, maglalaan ang foundation ng pondo para sa dalawang bagong programang mapakikinabangan ng mas nakararaming Pinoy.

Nakipagtulungan ang SingHealth Duke-NUS Maternal and Child Health Research Institute (MCHRI), sa pangunguna ng KK Women’s and Children’s Hospital (KKH) Singapore, sa lungsod ng Taguig upang paunlarin ang mga serbisyong pangkalusugan para sa mga ina at kanilang mga anak.

“We are also excited to work with Temasek Foundation and KK Women’s and Children’s Hospital to learn, innovate, and develop together. This collaboration will not only enhance our capacity to deliver quality healthcare but also help us adopt best practices and innovative solutions that have been successful in Singapore,” patuloy na pahayag ni Mayor Lani.

Nakatuan ang partnership sa pagpapaunlad ng key health indicators, infrastructure planning, at capacity building sa mga pasilidad na pangkalusugan para sa mga ina at kanilang mga anak.

Kabilang dito ang ang mga training at academic exchanges, pagpapaunlad ng mga programang pangkalusugan, at joint scientific activities.

Nagsimula nang bumisita ang grupo ng mg eksperto mula sa KKH at MCHRI sa lungsod nitong Huwebes, 15 Agosto, at nagsagawa ng symposium para sa maternal and child health at pagsilip sa mga lokal na pasilidad.

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Lani Mercado Tondo Fire

Walang politika sa pagtulong sa mga kababayan nating nasunugan —  Revilla

NANAWAGAN si Senador Ramon Revilla, Jr., kasama ang kanyang kabiyak na si Congresswoman Lani Mercado …

Kyline Alcantara Kate Valdez

Bardagulan sa panghapong show ng GMA patok

RATED Rni Rommel Gonzales NAGSIMULANG magningning ang mga hapon ng Kapuso viewer nitong Lunes (September …

Sylvia Sanchez Rita Atayde Zanjoe Marudo Art Atayde

Sylvia araw-araw tsine-tsek si Ria

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KABUWANAN na ni Rita Atayde kaya naman si Sylvia Sanchez, …

From Marikina to Ilocos Norte’s first leather success with DOST 1

From Marikina to Ilocos Norte’s first leather success with DOST 1

IN the culturally vibrant province of Ilocos Norte, a remarkable story of entrepreneurial achievement has …

SM 100 days FEAT

SM Supermalls kicks off 100 Days of Christmas as a Santa to their Community

SM Supermalls is ringing in the holiday spirit with its 100 Days of Joy countdown, …