Friday , September 13 2024
Eduardo Guillen NIA

Hirit sa Senado  
Bidding sa NIA imbestigahan

NANAWAGAN ang private contractors sa senado para sa mabilisang imbestigasyon sa sinabing pandaraya sa bidding sa National Irrigation Administration (NIA).

Ito ay bunsod ng pagkaka-deny sa karamihan sa government-accredited contractors para makapag-purchase ng bid documents para sa Malatgao River Irrigation System (RIS) Project sa Region 4-B.

Apat na AI construction firms na dati ay nakakasama sa bidding ng government irrigation projects sa bansa ang na-deny para makakuha ng bid documents dahil sa sinasabi nilang kakulangan ng certificate of site Inspection, na hindi umano legally required.

Ang NIA ay pinamumunuan ni Eduardo Guillen, at ang NIA-Region 4-B or MIMAROPA naman ay sinu-supervise ng kanilang Regional Manager na si Engr. Ronilio M. Cervantes at ng Palawan Irrigation Management Office (IMO) Division Manager na si Engr. Armando L. Flores.

Batay sa records ng NIA, ang Octagon Construction firm lang ang pinayagan na makakuha ng bid document para sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng Malatgao RIS project na nagkakahalaga ng higit P400 milyon.

Matatandaan, sa isang Senate blue ribbon committee hearing, pinagsabihan ni Sen. Raffy Tulfo ang mga kasalukuyan at dating opisyal ng NIA dahil sa kanilang kapabayaan sa pagto-tolerate ng mga defective, incomplete, at ghost irrigation projects, na dapat sana ay natutulungan ang mga magsasaka upang madagdagan ang kanilang rice production.

Ang nasabing senate inquiry ay nagsimula sa privilege speech ni Tulfo, na ini-expose ang hinihinalang irregularities sa mga irrigation projects, na karamihan ay delayed nang mahigit limang taon.

Sinabi ni Tulfo, sa report ng kanyang ipinadalang team, karamihan sa mga na-verify na proyekto ay hindi maayos ang pagkakagawa at gumamit ng substandard materials na kinalaunan ay iniwan dahil sa tinatawag na failed contracts.

May mga kinatawan ang ilang construction firm na may good standing ang bumisita sa NIA R-4B na sumubok para makatulong sa Malatgao RIS project, ngunit hindi binigyan ng oportunidad na makakuha ng bidding document sa kabila ng pagkompleto sa mga required documents.

Ang nasabing firm ay nagpakita pa ng Affidavit of Site Inspection ngunit hindi pa rin sila pinayagan na makasali sa bidding process.

Ang kinatawan nito ay umapela sa BAC chairman for reconsideration ngunit ito ay na-reject.

May mga alegasyon na ilang NIA officials ang sabit sa mga kahina-hinalang galawan sa procurement ng bidding documents kaya Nakase-secure ang ibang kompanya ng non-competitive bids.

Sinabi kamakailan ni Senator Tulfo, kadalasan ay may ilang tao ang kumikita mula sa irrigation projects gaya ng paglikom ng pondo para sa maintenance ngunit sa katotohanan ay wala namang maintenance na ginagawa at ang pondo ay napupunta lamang sa bulsa ng mga corrupt na tauhan.

“Bid rigging almost always results in economic harm to the agency which is seeking the bids, and to the public, who ultimately bear the costs as taxpayers or consumers,” diin ni Tulfo. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

800 plus pamilya nawalan ng tahanan
SUSPEK SA SUNOG SA TALABA-ZAPOTE III ARESTADO NA

NAARESTO ng Bacoor police ang isa sa dalawang suspek na responsable sa pagkasunog ng mga …

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

EJ Obiena Milo A Homecoming

A Homecoming Ceremony

Ang Milo Philippines ay nagsagawa ngayon ng isang homecoming ceremony para kay rank World No. …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …