Monday , September 9 2024
crime scene yellow tape

Sa Cebu boarding house  
27-ANYOS EMPLEYADA PATAY, KATAWAN NILAPASTANGAN, SUSPEK INGINUSO NG PARTNER

HUSTISYA ang sigaw ng isang ginang matapos ang karumal-dumal na pamamaslang sa kaniyang anak sa loob ng boarding house sa Brgy. Bulacao, lungsod ng Cebu, nitong Biyernes, 2 Agosto.

Nananawagan s i Letecia Relativo sa agarang pagdakip sa pumaslang sa kaniyang 27-anyos anak na hanggang ngayon ay tinutukoy pa ang pagkakakilanlan.

Natagpuang wala nang buhay ang katawan ng biktimang kinilalang si Charina, sa loob ng kaniyang inuupahang silid sa isang boarding house, sa nabanggit na lungsod.

Kasalukuyang hinihintay ng pulisya ang resulta ng awtopsiya bago magbigay ng konklusyon na ginahasa muna bago pinatay ang biktimang natagpuang hubo’t hubad at puno ng pasa ang katawan.

Ayon kay Letecia, mayroong mga indikasyon na nanlaban ang kanyang anak sa suspek.

Aniya, naniniwala siyang sinakal si Charina hanggang bawian ng buhay at puno ng pasa ang dalawang braso, tanda na lumaban ang kanyang anak sa umatake sa kaniya.

Ayon kay P/Maj. Jiceree Basitao, hepe ng Inayawan Police Station, matutukoy nila sa awtopsiya kung ginahasa muna ang biktima bago pinaslang.

Dagdag ni Basitao, wala pa silang suspek kaugnay sa krimen ngunit nasa kanila nang kustodiya ang isang person of interest na kinilalang si Darren Cui.

Nabatid na boardmate ni Charin at ng kanyang live-in partner na si Jungie Enriquez si Cui.

Ayon sa affidavit ni Enriquez, pinakiusapan niya si Cui na tingnan ang kalagayan ni Charina dahil nauna siyang pumasok sa mall na kanilang pinapasukan.

Ani Enriquez, hindi pa dumarating sa kanilang trabaho ang biktima at hindi rin online sa kanyang Facebook Messenger kaya niya pinakiusapan si Cui na tingnan ang kaniyang kinakasama.

Agad tumawag ng pulis ang pamunuan ng boarding house nang madiskubreng wala nang buhay ang biktima sa kaniyang silid.

About hataw tabloid

Check Also

agta ng Dabaw dumalo sa serbisyo fair

Serbisyo caravan dinagsa sa Davao City

DAVAO CITY – Sa gitna ng kaguluhang bumabalot sa isang kulto rito, dumalo ang mga …

090724 Hataw Frontpage

Sa Lunes  
EX-MAYOR ALICE GUO FACE-TO-FACE SA SENADO

PINAYAGAN ng korte sa Tarlac ang nasibak na alkalde ng Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo …

090724 Hataw Frontpage

Cayetano tiniyak  
BATAS SA NATURAL GAS BUKAS SA INVESTORS PARA SA EXPLORATION

ANG MABILISANG PAGPASA ng Senate Bill No. 2793 o ang panukalang Philippine Natural Gas Development …

Globe celebrates customer loyalty with nationwide G Day festivities

Globe celebrates customer loyalty with nationwide G Day festivities

 GLOBE’S biggest customer loyalty event of the year, GDay, is back. This annual flagship campaign will …

Pasig City

Anti-graft posturing ni Mayor Vico  Sotto hanggang salita lang, — Tayo Pasig Movement

PASIG CITY – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na …