Friday , September 13 2024
Liza Marcos UAE Donation bagyo Carina

FL Liza Marcos, nagpasalamat sa donasyon ng UAE para sa mga biktima ng bagyong Carina

NAGPASALAMAT si First Lady Liza Araneta-Marcos sa United Arab Emirates (UAE) sa donasyon nito na isang cargo flight na puno ng assorted goods para sa Filipinas upang matulungan ang mga grabeng nasalanta ng super typhoon Carina.

“Thank you to the United Arab Emirates for their generous humanitarian aid for flood victims of typhoon Carina,” ito ang naging post ng First Lady sa kanyang Instagram account.

Dumating ang naturang donasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong 30 Hulyo  2024 at agad itong binigyang-pansin ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA).

Ito ay pormal na tinanggap nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr.

Ang UAE ay kinatawan ni Ambassador H.E. Mohammed Obaid Alqattam Alzaabi. Naroon din sa ginanap na turnover ang Special Envoy to the UAE for Trade and Investment na si Anna Kathryna Yu Pimentel.

Nagpahayag din ng pasasalamat si DSWD Secretary Gatchalian sa ngalan ng pamahalaan ng Filipinas at ng mga mamamayang Filipino.

Kasama sa donasyon ang mahahalagang produktong pagkain, na ipamamahagi sa mga local government units (LGUs) at sa kanilang mga nasasakupan sa mga lugar na sinalanta nang todo ng bagyong Carina.

Pinasalamatan ni Mrs. Liza Marcos ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na nagkaroon ng mahalagang papel para matiyak ang walang putol na pagsasaayos at pagpapalabas ng mga donasyon.

Ang kanilang organisadong paghawak sa customs procedures ay naggarantiya na ang mga kaloob na goods ay naiproseso nang maayos at naibigay sa mga tatanggap na ahensiya nang walang pagkaantala, na nagpapakita ng kanilang commitment sa mabilisan at epektibong serbisyo sa panahon ng krisis.

Ang mahalagang tulong o aid mula UAE ay nagpapakita ng importansiya ng international cooperation at support sa panahon ng krisis, at ang Filipinas ay labis na nagpapasalamat sa napapanahon at importanteng tulong na ito.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

800 plus pamilya nawalan ng tahanan
SUSPEK SA SUNOG SA TALABA-ZAPOTE III ARESTADO NA

NAARESTO ng Bacoor police ang isa sa dalawang suspek na responsable sa pagkasunog ng mga …

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

EJ Obiena Milo A Homecoming

A Homecoming Ceremony

Ang Milo Philippines ay nagsagawa ngayon ng isang homecoming ceremony para kay rank World No. …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …