Tuesday , December 10 2024
Jiggy Manicad

News Frontliner Jiggy Manicad nasa TV5 na

MAS pinalakas pa ang primetime newscast ng TV5 na Frontline Pilipinas dahil ang award-winning journalist at news frontliner na si Jiggy Manicad ay makakasama na bilang news anchor nito simula Enero 2024. 

Mula sa dalawang dekada  niyang paglilingkod bilang broadcast journalist, mas magiging malawak pa ang ihahatid na public service at news coverage ni Jiggy sa kanyang bagong misyon sa TV5.

Nakilala dahil sa kanyang dedikasyon sa paghahanap ng katotohanan at sa kanyang natatanging storytelling, bitbit ni Jiggy ang kanyang makulay na experience bilang journalist sa kanyang pagsabak bilang Frontline Pilipinas news anchor kasama sina Luchi Cruz-Valdes, Cheryl Cosim, Julius Babao, Ed Lingao, Lourd De Veyra, Kaladkaren, at Mikee Reyes

“With the remarkable growth achieved by Frontline Pilipinas as a preferred choice of more Filipinos for accurate and timely news, bringing Jiggy onboard will not just add depth and experience to our primetime newscast, but it will more importantly bolster our capacity to provide the best kind of public service that our Kapatid viewers deserve,” pahayag ni TV5 President and CEO Guido R. Zaballero.

Mula sa pagiging field reporter hanggang sa maging anchor at correspondent, nagsilbing boses ng maraming Filipino si Jiggy sa paghahayag niya ng istorya at balita tungkol sa mga ito.

“Jiggy is an exemplar of earnest, do-all-possible, get-to-the-bottom everyday reporting that broadcast journalists should follow. News5 can only get stronger with Jiggy in the team. He will up our game a couple of notches,” ani TV5 Head of News and Information na si Luchi Cruz-Valdes.

Maging updated sa latest news sa Frontline Pilipinas, Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m. sa TV5.

About hataw tabloid

Check Also

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Richard Somes Topakk

Direk Richard niyukuan, niluhuran ng isang int’l journalist nang mapanood ang Topakk

MATABILni John Fontanilla DALAWA ang naging rating ng kaabang-abang na pelikula sa 50th Metro Manila Film …

Angelica Hart Vivamax VMX Candy Veloso

Angelica Hart gusto ring makagawa ng drama

RATED Rni Rommel Gonzales PINAGHANDAAN ni Angelica Hart ang pagpasok sa VMX. Aniya, “Actually, bago po ako pumasok …

Bituin Escalante Isang Himala Aicelle Santos

Bituin Escalante na-excite, na-challenge sa Isang Himala

NAGIGING aktibong muli ang mga datihang artists na tulad nina Ella May Saison, ang Orient Pearl, at …

Judy Ann Santos Chito Roño Lorna Tolentino Janice de Belen Chanda Romero

Direk Chito muling makikita bagsik bilang Master Horror Director

I-FLEXni Jun Nardo PINAKAMAGASTOS na horror movie na ginawa ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso ang Espantaho. Ito rin …

SPEEd Christmas Party

SPEEd magdo-donate sa mga nasalanta ng kalamidad 

MAKULAY at makabuluhan ang Christmas Party ng Society of Philippine Entertainment Editors(SPEEd) ngayong taon na dinaluhan …