Wednesday , November 12 2025
Yasmien Kurdi

Yasmien tuloy lang ang pagtatrabaho kahit may pinagdaraanan

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAPANOOD namin ang trailer ng The Missing Husband na magsisimula nang umere sa Afternoon Prime ng GMA sa Lunes, August 28 after Magandang Dilag. 

Astig lahat ang mga eksena at bigay na bigay ang arte nila to the max. ‘Yun pala nakare-relate sila sa story dahil halos lahat ay nakaranas ng scam. 

Marami ang naloko sa kanila ng mga scammer na tinatalakay sa story ng The Missing Husband. Halos lahat ay may kuwento ng naging experience nila sa mga scammer.

Natuwa naman si Yasmien Kurdi bilang lead star ng teleserye with Rocco Nacino as her leading man. Bukod diyan ay kasama rin niya si Nadine Samonte na kasabayan niya sa Starstruck 1. At noon kahit magkaibigan sila ay iniintriga sila para magkaroon ng rivalry pero deadma lang sila at hindi nasira ang pagkakaibigan nila.

Bukod diyan ay may pinagdaraanan si Yasmien sa pamilya niya. Kasalukuyang may karamdaman ang ina na inalis na nila sa ospital at sa bahay na muna mino-monitor habang nagpapagamot. Bagamat may pinagdaraanan, tuloy ang trabaho niya bilang artista. 

Siyempre alalay din siya sa anak na si Ayesha na malaki na rin naman. Wish lang niya na makapagtapos ng pag-aaral si Ayesha at after niyon ay susuportahan ang anak kung anong buhay ang tatahakin nito. 

Mabuti na lang at mabait at may malaking pang-unawa ang asawa ni Yasmien.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …