Sunday , May 28 2023
Siglo ng Kalinga Carl Balita

Buhay ng Nars na inspirasyon sa nakararami tampok sa Siglo ng Kalinga

NAINTRIGA si Dr. Carl E. Balita nang ianunsiyo nito bilang prodyuser sa pakikipagtulungan ng Philippine Nurses’ Association (PNA) na puro Nars ang gaganap sa pelikula ng Siglo ng Kalinga.

Ang Siglo ng Kalinga ay hango sa inspirasyon ng buhay ng PNA founder na si Anastacia Giron-Tupas (AGT) at ang makabayaning buhay ng mga Filipinong Nars. Ito ang paggunita ng isang siglo ng anibersayo ng PNA. 

Marahil sa kakaibang pagsisikap para mabuo ang totoong nars na gumanap sa pelikula, ang Dr. Carl Balita Productions aynagkaroon ng acting workshops para sa mga napiling aplikanteng nars na gaganap sa nasabing pelikula na pinamumunuan ng isang dekalibreng aktres na si Angeli Bayani. 

At matapos ang ilang buwang paggawa ng pelikula sa probinsiya ng Quezon at sa ibang bahagi ng Maynila, lubos na ipinagmamalaki ito ni Dr. Balita at itinuturing itong pagpupugay sa mga bayani noong pandemya–ang mga nars na Filipino, ang pelikula ay magbubukas sa mga sinehan sa buong bansa ngayong Mayo 3. 

Nurses are the best actors in real life. They had to look pleasant even in emergencies and other medical or health challenges a patient had to go through. They live up to Florence Nightingale’s words–‘ignite the mind’s spark to rise the sun in you,’” paliwanag ni Dr. Balita, na isa ring nars at isang multi-awarded na entrepreneur, isa ring bestselling na may-akda. Siya ang dahilan ng pagiging mayagumpay, malaki, multi-awarded, at kaisa-isang ISO 9001-2015 certified na negosyo, ang Carl E. Balita Review Center (CBRC).

Ayon sa manunulat ng pelikula na si Archie Del Mundo, ang kuwento nito ay tatakbo at mag-uugnay sa buhay ni Tupas at ng mga Filipinong nars sa kasalukuyan.

The film is 99% set at present-future. There are a few flashbacks to AGT’s momentous scenes. It’s In medias res (in Latin, it means ‘in the midst of things’. It is the practice of beginning a story in the middle of the action and answering the viewer’s questions through flashbacks or dialogue.”

Pagbibidahan ang pelikula nina Joy Ras bilang Anna Formantes at Ellener Cruz bilang Anastacia Giron-Tupas. Tampok din sina Estacia Cruz, Tads Obach, Bambi Rojas, VJ Mendoza, Anna Ellescas, Val Ramilo, Cora Anonuevo, Lorrich De Castillo, Jewell Alano, Abbey Romero, Denmark Mismanos, Frances Cuevas, Nerisaa Gerial, Joel Rey Carcasona, Christian Campos, Gilbert Manzano, Aldrin Samson at marami pang iba. 

Idinirehe ng award-winning filmmaker na si Lemuel Lorca, ang Siglo ng Kalinga ay mula rin sa produksiyon na naghatid sa 2017 na pelikulang Maestra (An Educator) na pinagbidahan nina Anna Luna, Angeli Bayani at ang dating Queen of Visayan Movies–Ms. Gloria Sevilla.

About hataw tabloid

Check Also

Bruno Mars

Bruno Mars espesyal sa Pinoy, concert sa Phil Arena inaabangan

RATED Rni Rommel Gonzales ESPESYAL sa mga Pinoy si Bruno Mars at espesyal din ang mga Pinoy …

Valerie Concepcion Heather Fiona

Valerie nasaktan nang hanapin ni Fiona ang ama

RATED Rni Rommel Gonzales DALAGA pa lang noon si Valerie Concepcion ay naging ka-close na namin kaya …

David Licauco Barbie Forteza

David at Barbie ibinunyag sikreto pagpunta sa isang malamig na lugar 

ITO na ‘yung sikreto na binanggit sa amin dati pa nina David Licauco at Barbie Forteza tungkol sa tanong …

Christian Bables Andrea Brillantes

Christian ok lang ma-typecast sa pagbabading

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ibinigay na katwiran ni Christian Bables sa kung bakit patuloy …

Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ENJOY na enjoy at ‘di nakikitaan ng lungkot o pagkabahala …