Wednesday , January 15 2025
Luke Conde bagong brand ambassador ng Hanford

Luke Conde bagong brand ambassador ng Hanford

HE got the body, looks and personality.” Ito ang ibinigay na dahilan ni National Sales and Marketing Manager ng Hanford na si Ms. Tere Benedicto, kung bakit nila kinuha ang dating Hashtags member at ngayon ay SparkleArtist talent na si Luke Conde.

Sa loob ng 68 taon, patuloy na namamayagpag ang isa sa mga leading undergarment brands para sa kalalakihan, ang Hanford na sinimulang itayo ng Chinese businessman na si Mr. Victor Te, ang brand president noong 1954.

Bagama’t Chinese, nakita ni Mr. Te ang malaking potensiyal ng kanyang negosyo rito sa Pilipinas lalo’t ang mga Filipino ay hindi lang nagpapahalaga sa magandang kalidad ng isang produkto ngunit isinasaalang-alang din nila ang magandang disenyo at pagiging sunod sa uso at napapanahon ng kanilang mga isinusuot, kahit pa ito’y undergarments lamang.

Sa higit na anim na dekada ng Hanford sa undergarment industry, marami na ring local male celebrities ang naging bahagi ng pamilya nito at ipinakilala bilang endorser.

Taong 1996 nang kunin bilang pinakaunang endorser ng Hanford si Carlos Agassi na sinundan nina Cesar Montano, Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Tom Rodriguez, James and Phil Younghusband, Chris Tiu, Dennis Trillo, Mikael Daez, at Vin Abrenica. At kamakailan ipinakilala ang pinakabagong endorser ng Hanford, ang Sparkle artist na si Luke.

Sa ginanap na face-to-face presscon sa Hanford Main Office sa Congressional Ave., QC, ipinakilala ang 32-year-old na si bilang newest brand ambassador ng Hanford briefs kasabay ang kanyang contract signing.

Present sa contract signing ang mga executive ng Hanford sa pangunguna nina Mr. Te (President), Ms. Sincerely Te (Vice-President), Ms. Sheena Anne Te (Executive Vice-President), Ms. Theresa Benedicto (National Sales and Marketing Manager), at Mr. Renz Banawa (Sales Manager for Marketing ng GMA-7 Sparkle Artists).

Sinabi pa ni Ms Benedicto ukol kay Luke, “Because we saw a potential on him, he got the body, looks and personality that we look into a perfect endorser for Hanford. He embodies the quality of Hanford endorser. He’s been using Hanford ever since he was little.”

Maliit na bata pa pala si Luke ay talagang Hanford na ang kilala nitong undergarment brand dahil ito rin ang ginagamit ng kanyang mga kapamilya.

Kaya naman hindi na nagdalawang-isip ang mga bossing ng Hanford na siya ang kuning endorser para mas makilala pa ng mga kabataan ngayon ang undergarment brand na 68 taon na sa market.

Bagay na bagay si Luke na maging endorser ng Hanford dahil bukod sa napakaguwapong mukha, kapanta-pantasya rin ang kanyang katawan na lalong nagiging kapansin-pansin kapag suot na niya ang Hanford briefs na may iba’t ibang disenyo at abot-kaya ng masa ang presyo.

Naniniwala naman si Luke na kahit undergarment ang kanyang bagong endorsement, wholesome at karespe-respeto pa rin siya, bagama’t tanggap niyang hindi maiiwasan na pagpantasyahan siya ng mga kababaihan at pati ng mga members ng LGBT community dahil sa kanyang magandang pangangatawan.

Masaya naman ang lahat ng bumubuo sa Hanford at mainit ang naging pagtanggap nila kay Luke bilang bagong endorser dahil bukod sa guwapong mukha at magandang pangangatawan, napakagaling makisama at very accommodating ang Kapuso actor na huling napanood sa Lolong ng GMA-7. Bilang breadwinner ng pamilya, pangarap ni Luke na mabigyan din ng sarili niyang drama serye sa GMA-7 at makatrabaho ang idol niyang si Rhian Ramos na nakilala na niya nang personal nang magkasama sila sa Boracay para sa isang event. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Aegis Mercy Sunot

Aegis inamin maninibago sa biritan sa pagkawala ni Mercy Sunot

RAMDAM namin ang lungkot habang kumakanta at tumutugtog ang magkakapatid na miyembro ng bandang Aegis. …

Gerald Santos

Gerald Santos tuloy kaso kay Danny Tan; nabunutan ng tinik nang humarap sa senado

HINDI paaawat sa pagsasampa ng mga kaso si Gerald Santos laban sa musical director na …

Rachel Alejandro Geneva Cruz Jeffrey Hidalgo Nasaan Si Hesus

Rachel, Jeffrey, Geneva ‘di nagdalawang-isip pagtanggap ng Nasaan si Hesus?

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio EXCITED pare-pareho sina Rachel Alejandro, Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …

Nathan Studios Buffalo Kids

Buffalo Kids pampamilya, hatid ng Nathan Studios

MATABILni John Fontanilla PAGKATAPOS ng matagumpay na pagpapalabas ng Nathan Studios entry sa 50th Metro …