Thursday , November 30 2023
Mark Magsayo Rey Vargas Sean Gibbons Manny Pacquiao

Gibbons naniniwalang patutulugin ni Magsayo si Vargas

NANINIWALA si promoter Sean Gibbons na kumpleto ang preparasyon  ni WBC featherweight champion Mark Magsayo para gibain si Mexican challenger Rey Vargas.

Tiwala ang MP Promotions chief sa ‘punching power’ ni Magsayo at ang tuminding depensa nito  para wakasin si Vargas sa paparating na weekend sa Alamodome  sa San Antonio, Texas.

“Mark’s the new face of Philippine boxing,” pahayag ni Gibbons sa Quinito Henson’s report sa Philboxing. “I don’t consider Vargas a puncher and he’ll try to outbox Mark but Mark will cut him down.”

“It’ll be a late knockout win for Mark, maybe in the 10th round.”

Sa kasalukuyan ay ginabayan siya ni Freddie Roach na coach rin ng isa pang magaling na Pinoy boxer na si Marvin Somodio para lalong patindihin ang kanyang skills at pag-aralan  kung paano haharapin  ang may mahabang reach tulad ni Vargas.

Si Vargas ay dating super bantamweight champion na may taas na 5-10 at may habang 71-inch na reach.

Samantalang si Magsayo na may angking bagsik ng kamao ay may taas lang na 5-foo-6 at 67 and ½ inch na reach.

“His work in the gym has been amazing,” sabi ni  Gibbons. “He’s stronger, his defense is tighter, his footwork is shiftier and his combinations are quicker.”

Napanalunan ni Magsayo ang WBC title nang talunin niya si Gary Russell sa pamamagitan ng majority decision nung Enero.

Si Vargas ang una niyang haharapin para sa kanyang unang title defense.

About hataw tabloid

Check Also

Pickleball, laro para sa Pinoy

Pickleball, laro para sa Pinoy

UMAASA ang liderato ng Philippine Pickleball Federation na tulad ng kaganapan sa ibang bansa, mabilis …

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

Nagbabalik ang Volleyball World Beach Pro Tour sa Nuvali

MAGTITIPON ang mga elite na manlalaro sa buong mundo sa loob ng limang araw sa …

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

Siargao kampeon sa International Dragon Boat

DINOMINA ng Siargao Dragons ang apat sa pitong events na nakataya at inangkin ang overall …

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

Tribesmen sasabak sa PSC IP Games

PUERTO PRINCESA — Muling bibigyan ng pagpapahalaga ang mayamang pamana ng kultura ng mga Filipino …

Pagpailaw ng taunang higanteng Belen display

Pagpailaw ng taunang higanteng Belen display

ISINASABUHAY ng Araneta City ang tradisyon nitong Yuletide sa pagpapailaw ngayong taon ng taunang higanteng …