Thursday , June 1 2023
Mark Magsayo

Mark Magsayo may kahinaan na dapat ayusin

NAGPAPAALALA si boxing trainer Nonito Donaire Sr.  kay  WBC world featherweight champion Mark Magsayo na dapat niyang ayusin ang kanyang kahinaan bago pa sumalang sa una niyang title defense laban kay Rey Vargas sa July 10 sa Alamodome sa San Antonio, Texas.

Ayon kay Donaire Sr., kailangang pataasin niya ang ‘accuracy’  ng kanyang mga suntok para mapigilan ang atake ni Vargas.

“It could be a tough one for Magsayo. I hope he could change the way he punches. He is too wide, gives it all, and sometimes he does not think he just throws his punches. I hope he improves because punches should be accurate in boxing,” pahayag ni Donaire Sr sa  Sparring Sessions LIVE.

Si Magsayo na may ring record na 24-0, 16 KOs ay naging world champion nang talunin niya si Gary Russell Jr via majority decision nung Enero ngayong taon.   Matatandaan na bago niya nakuha ang kampeonato ay lumaban siya kay Julio Ceja noong Agosto ng nakaraang taon na kung saan ay pinatulog niya ang dating kampeon.

“I would say this is a 50-50 [fight]. He was not impressive from what I saw in his fights. Against an injured Russell he won a [majority’ decision. In the [Ceja fight] he got a one punch [knockout]. He was losing that fight but got lucky with a knockout,” pahayag ni Donaire Sr.

“He did not impress me in his last two fights. Mexicans can take a punch, but if [Vargas] gets caught by Magsayo then he could go to sleep.”

About hataw tabloid

Check Also

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

BiFin swimming SEA Games

BiFin swimming team impresibo sa kampanya sa SEA Games

KUMPIYANSA si Philippine Sports Hall-of-Famer at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain na malaki ang …

PSC Ifugao Laro ng Lahi

MOA signing, PSC at Province of Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

Pormal na nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao ang …

PSC Laro ng Lahi

MOA nilagdaan ng PSC, Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

MASAYANG nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng pamahalaang panlalawigan ng Ifugao ang memorandum …

Richard Bachmann PSC

PSC bankrolls SEAG participaion, commits continued support

Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann reiterated the agency’s commitment to support elite athletes …