Thursday , March 23 2023
Devin Haney undisputed champion

Haney tinanggalan ng korona si Kambosos

TINANGHAL na ‘undisputed lightweight champion’ si Devin Haney   kahapon sa Marvel Stadium sa  Melbourne, Australia nang talunin niya via unanimous decision  si George Kambosos.

Ginamit ni Haney (28-0, 15 KOs) ang kanyang ekselenteng jab para idikta ang takbo ng laban para mapabilib ang tatlong hurado sa iskor na 116-112, 118-110 at 116-112.  Ngayon, ang 23-year-old mula Las Vegas ay kinabig lahat ang apat na 135-pound titles pagkaraan ng dominanteng performance laban sa ESPN’s No. 1 lightweight.

Pero hindi doon nagtatapos ang bakbakan ng dalawa dahil puwedeng gamitin ni Kambosos, 28, ang kanyang ‘contractual right’  para magkaroon ng rematch kay Haney bago matapos ang taon na gaganapin din sa Australia.

Napanalunan ni Kambosos (20-1, 10 KOs) ang titulo noong Nobyembre nang ma-upset niya ang kampeong si Teofimo Lopez.   

Pagkaraan ng malaking panalong iyon ay simula na siyang maghamon  ng laban sa malalaking pangalan sa kanilang dibisyon.  Matatandaan na dapat ay si Vasiliy Lomachenko ang  makakaharap niya pero umatras ang Ukranian fighter dahil inuna nito ang obligasyon niya sa kanyang bansa  na nahaharap sa malaking hamon dahil sa Russian invasion.

Sa pagpasok ni Haney sa eksena bilang kapalit ni Lomachenko, maraming sports fans ang nagtaas ng kilay dahil tipong hindi hindi siya ang karapat-dapat na makaharap ng undisputed champion dahil ang kanyang hawak  na WBC lightweight belt ay hindi niya inani dahil sa laban kungdi naitaas lang siya sa pagiging lehitimong  kampeon mula sa pagiging interim  champion.

Ngayon, sa ipinakitang kalidad, ni Haney nang talunin niya si Kambosos, ay aanihin na niya ang respeto ng boxing world dahil siya na ngayon ang tinaguriang undisputed champion na hawak ang titulo ng  WBA, WBO, IBF at  WBC.

About hataw tabloid

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …