Friday , June 2 2023
PSC PPG PhilSpADA PPC NCDA IPAO

500 kalahok tumanggap ng PSC Para Sports coaching

LIMANG-DAAN na kalahok ang tumanggap ng ‘coaching lectures’ sa para-powerlifting, para-badminton, para-cycling, football 5-a-side at sitting volleyball sa ikalawang edisyon ng Philippine Sports Commission Para Sports Coaching Webinar Series.

Ang limang araw ng coaching program na nagsimula noong Lunes ay nakasentro sa coaches at expert practitioners na nagbahagi ng fundamental coaching at ekperyensa sa limang para sport disciplines, sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Association for the Differently Abled (PHILSPADA) at ng Philippine Paralympic Committee (PPC).

“After our first successful edition of our coaching webinar last year, we decided to bring it back to introduce new para-sports and boost the knowledge of our coaches and trainers in para-sports,” pahayag ni  PSC Oversight Commissioner for para-athletes Arnold Agustin.

Pinasinayaan ni PHILSPADA at PPC President Michael Barredo ang unang araw ng webinar series at napag-usapan dun ang kasaysayan at foundation of para-sports sa bansa, kasama sina PPC Secretary-General Walter Torres at Officer-in-Charge Tricia Rana.

“We thank our active partners in PHILSPADA and PPC for supporting this event that will surely strengthen our programs,”  dagdag ni  Agustin.

“Participants who completed the webinar series will be awarded with a certificate, official shirt, an official Pilipinas Para Games (PPG) medal and a compiled module from the webinars,” sabi ni  PPG Project Director Jan Errol Facundo.

 Nung nakaraang taon, 500 partisipante ang sumali sa first edition  ng webinar series kasama ang goal ball, para-swimming, wheelchair basketball, para-athletics, at para-table tennis na tampok sa para-sports mula Oktubre 9 hanggang 15.

About hataw tabloid

Check Also

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

BiFin swimming SEA Games

BiFin swimming team impresibo sa kampanya sa SEA Games

KUMPIYANSA si Philippine Sports Hall-of-Famer at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain na malaki ang …

PSC Ifugao Laro ng Lahi

MOA signing, PSC at Province of Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

Pormal na nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao ang …

PSC Laro ng Lahi

MOA nilagdaan ng PSC, Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

MASAYANG nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng pamahalaang panlalawigan ng Ifugao ang memorandum …

Richard Bachmann PSC

PSC bankrolls SEAG participaion, commits continued support

Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann reiterated the agency’s commitment to support elite athletes …