Saturday , April 1 2023
MMDA National Art Competition 2022

Filipino artists hinikayat lumahok sa 2022 National Art Competition

INAANYAYAHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga Filipino artist na lumahok sa 2022 MMDA National Art Competition, isang pagkakataong maipakita ang kanilang pagkamalikhain at talento sa pamamagitan ng pagguhit at pagpipinta.

Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes, ang National Art Competition ay isang magandang pagkakataon para sa mga artist sa buong bansa na lumikha at magpakita ng kanilang mga gawa o sining na magbibigay inspirasyon sa iba.

Bilang bahagi ng mandato ng MMDA na pangalagaan at isulong ang kultura, hindi lang ng Metro Manila, kundi ng buong bansa.

Ayon sa MMDA Chairman, ang National Art Competition 2022 ay inilunsad para hikayatin ang mga artistang Filipino na ipakita ang kanilang mga kakayahan.

Sa pamamagitan ng patimpalak na ito, mai-immortalize ang sari-saring mayamang kultura ng ating bansa at pahalagahan sa pamamagitan ng visual arts.

Ang kompetisyon ay isang offshoot ng “I Love MM (Metro Manila)” metrowide photography, songwriting, at painting contests, na gaganapin upang i-highlight ang paglago at pag-unlad ng National Capital Region, noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Ang Pambansang Art Competition ay bukas sa lahat ng Filipino Artist na may edad 18-35 anyos.

Ang magwawagi sa unang gantimpala ay tatanggap ng P300,000 at Scholarship para sa Art Residency Program, habang ang ikalawang premyo ay tatanggap ng P200,000 at Scholarship para sa Art Residency Program. Ang apat na finalists ay tatanggap ng P50,000 bawat isa.

Lahat ng interesadong kalahok ay dapat magsumite ng kanilang mga entry online, kasama ang notarized Registration Form at valid government-issued identification card. (GINA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …