Thursday , March 30 2023
Dimitry Bivol Canelo Alvarez Floyd Mayweather Jr

Mayweather nanalo sa pusta kay Bivol

IPINAKITA ni Floyd Mayweather ang kanyang ‘betting slip’ sa social media para ipagyabang ang  kanyang malaking panalo nang pumusta siya kay Dimitry Bivol laban kay Saul “Canelo” Alvarez  nung nakaraang Linggo sa Las Vegas, Nevada.

Sa panalo ni Bivol kay Canelo lalo pang nadagdagan ang pera  ni Mayweather  dahil sa kanyang pusta.

Namantsahan ang karta ni Canelo ng ikalawang pagkatalo sa kanyang 61 fights at una pagkaraan na matalo siya kay Mayweather noong 2013.   At pagkatapos ng talong iyon ay naging dikit-dikit ang panalo para maging undisputed champion sa middleweight divisions.

At sa laban niya kay Bivol ay inambisyon naman niyang pasukin ang teritoryo ng light-heavyweight.

Sa naging laban nina Bivol at Canelo ay lamang sa suntok ang una na halos doble ang dami sa pinakawalang suntok ng huli.

Ang  tatlong hurado ay pare-pareho ang kanilang naging iskor na 115-113 para manalo si Bivol via unanimous decision. Pagkatapos ng laban ng dalawa ay inanunsiyo agad sa post fight interview na nais ni Canelo ng rematch na sinang-ayunan naman ni Bivol.

Bago ang laban ng dalawa ay nasilip na ni Mayweather na malaki ang panalo ng dehadong si Bivol kaya pumustang $10,000 na ipinost pa niya sa Instagram na may caption na ‘easy pick up.’

Sa taya ng tinaguriang  Money ay kumabig siya ng $42,500 bilang dibidendo.

Nang malaman ni Bivol na sa kanya nakapusta si Mayweather at nanalo ng malaking halaga, napasigaw na lang siya ng “congratulations!”

About hataw tabloid

Check Also

George Clevic Daluz Golden Goggles swim series

Daluz ng Batangas tatlong medalyang ginto sa Golden Goggles swim series

PINANGUNAHAN ng tubong Batangas na si George Clevic Daluz ang limang promising tanker para sa …

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …