NAMANGHA ang mundo ng athletics nang magnakaw ng eksena sa kasaysayan ang American teen sprint sensation Erriyon Knighton, at siya ay ikinompara kay Usain Bolt.
Pinababang muli ng 18-anyos ang junior world record ni Bolt at ang kanyang sariling U/20 world mark na 19.84 seconds sa napakatulin niyang takbo sa Baton Rouge meet sa United States nitong Sabado.
Parang ipo-ipong dinaanan ni Knighton ang lahat ng katunggali para unang dumating sa finish line, may pruwebang 19.49 seconds, para itala ang ikaapat na fastest time sa history ng event.
Target ni Knighton ang paparating na world outdoor championship sa Eugene, Oregon sa 15-24 Hulyo 2022 kung makasasampa sa qualifiers na aarya sa 23-26 Hunyo 2022 sa parehong venue.
Ang American teenage runner ay laman ng balita noong nakaraang taon nang magtala ng 19.88 seconds para sirain ang record ni Jamaican Olympic legend Bolt world junior record na 19.93.
Lumahok siya sa 200m sa Tokyo Olympic Games, ngunit dumating siyang pang-apat sa likuran nina Andre de Grasse.
Ganyonman, ang mga oras na naitala ni Knighton sa nakaraang weekend ay masyadong mabilis kompara kay 8th-time Olympic gold medalist Bolt nang siya ay nasa edad 20 anyos – na nagtala ng 19.93 seconds.