Thursday , June 1 2023
Ricky Hatton Marco Antonio Barrera

Ricky Hatton vs, Marco Antonio Barrera sa  Hulyo 2

PANAUHIN si Ricky Hatton sa Talk Sport kahapon, at ang dating 140-pound king ay isiniwalat ang kanyang pagbabalik sa ring laban kay Mexican great Marco Antonio Barrera

Ang paghaharap ng dalawa sa isang ‘exhibition bout’ ay mangyayari sa Manchester  sa July 2.  Kasalukuyan nang nag-eensayo si Hatton at sinabi nitong magbabakbakan sila ni Barrera sa loob ng walong rounds.

Isang katanungan na nagmula mga fans ni Hatton kung bakit  ang isang 43-year-old ay kailangan pang bumalik sa ring?  Simple lang ang kasagutan ng Briton:   “It will be for fun and for the purposes of uplifting people, that there will be no full-on or ‘real’ comeback.”

“If your heroes are going to make a comeback or do an exhibition, you don’t want to see them get hurt and no one is going to see that,” pahayag ni Hatton tungkol sa pagbabalik niya sa  July . “It will be competitive because I’m not having anyone come to Manchester and stand me on my head and I’m sure he won’t want to have that done to him. But, that’s where people don’t need to see people get hurt. People have said to me, ‘Ricky, why are you doing it? We don’t want to see you get hurt.’ Trust me, have faith in The Hitman, you won’t see me get hurt.”

Sinabi ni Hatton na magkakaroon ng malaking ‘party’ sa July 2, may ipipresenta sila na ‘musical acts’ at may  maglalaban na  MMA fighters.    Ang pagbababalik niya ay tinaguriang “The Hitman Rises.”

Ang event ay handang-handa na at  naipadala na ang tiket sa mga ticket booth.    Hindi mapapasubalian na ‘crowd drawer’ si Hatton,  dinadagsa ng kanyang mga fans at supporters ang bawat laban niya.     At ang mga sigawan ang pagbubunyi nila ang kinasabikan ng The Hitman.   Ang kanilang pagtsi-cheer ay nakakapagbigay ng inspirasyon at iyon ang dahilan kung bakit magbabalik siya sa ring.

Nasa magandang kundisyon si Barrera at sinabi ni Hatton na nasa kasagsagan na rin ng training ang kanyang makakatunggali.  Bagama’t parehong hangad nila na walang masaktan sa nasabing exhibition fight, ayaw naman pareho nilang mapahiya sa harap ng kanilang fans kaya tiyak na magpapasikat ang dalawang fighters para mabigyan ng kasiyahan ang kani-kanilang fans.

About hataw tabloid

Check Also

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

BiFin swimming SEA Games

BiFin swimming team impresibo sa kampanya sa SEA Games

KUMPIYANSA si Philippine Sports Hall-of-Famer at Batangas 1st District Congressman Eric Buhain na malaki ang …

PSC Ifugao Laro ng Lahi

MOA signing, PSC at Province of Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

Pormal na nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ifugao ang …

PSC Laro ng Lahi

MOA nilagdaan ng PSC, Ifugao para sa Laro ng Lahi hosting

MASAYANG nilagdaan ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng pamahalaang panlalawigan ng Ifugao ang memorandum …

Richard Bachmann PSC

PSC bankrolls SEAG participaion, commits continued support

Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann reiterated the agency’s commitment to support elite athletes …