Sunday , April 2 2023
PAPI Raul B Villanueva

PAPI huwag magpaggamit sa ‘fake news’ — Villanueva

MAHALAGA ang tungkulin ng Publishers Association of Philippines, Inc. (PAPI), na huwag magpabiktima sa “fake news.”

Binigyan diin ito ni Supreme Court administrator Raul B. Villanueva sa kaniyang talumpati sa National Press Convention ng PAPI noong Biyernes, 22 Abril 2022, ginanap sa Penlai Finest Chinese Cuisine (dating Shangri-La), may temang “The Community Press: Its Challenges in the Post-Pandemic Era.”

               Aniya, ang pahayagan o ang press ay may kapangyarihang itaas ang isang indibidwal, mag-udyok ng pagbabago sa pamayanan, at umakay o magbigay nng direksiyon sa mga hangarin ng bansa, ayon sa Supreme Court administrator.

“Information is a capital and those who wield it possess an insurmountable amount of power at their disposal. This privilege however, entails adherence to truth and dignity and allegiance to nothing else. This adherence is made even more challenging due to Covid-19 pandemic that we are all subjected to, changing the usual way we go about with our daily lives,” dagdag ni Villanueva.

Ani Villanueva, ang impluwensiya ng PAPI ay dapat magsilbing matibay na daluyan ng impormasy0n, at maging daan para magkaroon ng community press na tapat at totoo sa kanilang tungkulin bilang tagapagbantay ng malayang pamamahayag at kakampi ng makatarungang hudikatura.

Pinaalalahan ni Villanueva ang lahat, ang PAPI ay may mahalagang tungkulin na huwag magpabiktima sa mga “fake news.”

Tampok sa dalawang araw na pagtitipon ang paggawad ng mga parangal sa mga sumusunod: Most Resourceful Award – Noemi Junio; Recognition Award – Alfredo Gabot, editor-in-chief ng Philippine News Today; Presidential  awards – Jessica Bacud, Angelina Lim, Danilo Silvestrece, Rolando Andy Manatad, Dr. Henry Lim Bon Iong, pangulo ng Federation of the Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry.

Samantala, pinarangalan din ang mga Executive Judges na sina Flordeliz Cabanlit Fargas (Cavite); Virgilio Macaraig (Manila); at Cecilyn E. Burgos Villaver (Quezon City).

Ginawaran si Supreme Court Associate Justice Jose Midas Marquez ng Special Recognition/Citation award mula sa PAPI.

Ani Marquez, sa loob ng 10 taon ay nakikipagtulungan  sa kanya ang PAPI kahit noong siya ay court administrator pa lamang at nananatili hanggang ngayon ang kanilang magandang samahan

Kasabay nito, binati ni Marquez si PAPI President Nelson Santos sa kaniyang ika-60 kaarawan noong 15 Abril.

Sa pangunguna ni Santos, pinsalamatan ng PAPI ang lahat ng dumalong bisita sa pagtitipon mula sa mga regular hanggang associate members ng asosasyon, mga community newspaper publishers, media executives, editors, print at broadcast journalists, public information officers, campus journalists, at kanilang mga gurong tagapayo.

Sa ikalawang araw ng kombensiyon, inihalal ng PAPI ang kanilang bagong mga opisyal para sa terminong 2022-2025. Muling nahalal na pangulo si Santos, si Adonis Paz bilang EVP; Mark Arrojado, secretary; Ching Barretto, treasurer; Alma Ochotorena, VP for Luzon; Dr. Paulus Canete, VP for Visayas; Angelina Lim, VP for Mindanao; Rebecca Velasquez, VP for Luzon; Eduardo Cardona, BOD for Visayas; BOD for Visayas, Dan Silvestrece, Edalyn Acta; at BOD for Visayas Mindanao, Elpidio Soriano at Ann Acosta.

About hataw tabloid

Check Also

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Batakan ng Shabu sa Mabalacat City, sinalakay ng PDEA

Nagawang baklasin ng mga ahente ng Philippine Enforcement Agency Region III (PDEA-3) ang isang makeshift …

gun dead

     Brgy. kagawad patay sa pamamaril ng nakamotorsiklong gunman

Patay ang isang opisyal ng barangay matapos pagbabarilin ng nakamotorsiklong salarin sa lansangan ng Brgy. …

shabu

Mahigit PHP 1.5-M halaga ng shabu nakumpiska sa Bataan

Inihayag ni Central Luzon Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr na ang Bataan police …

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …