SINUPORTAHAN ng PDP-Laban Quezon City council ang kandidatura ni Mayor Joy Belmonte sa pagka-alkalde ng lungsod.
Sa pahayag ng partido na ibinahagi nitong weekend, sinabi ng PDP-Laban, napagkaisahan ng lahat ng miyembro nito na iendoso si Belmonte dahil sa magandang ipinakita nitong “serbisyo publiko” maging ang mga pagbabago at kaunlarang nangyari sa lungsod sa ilalim ng pamumuno ng Mayora sa kanyang unang termino pa lamang.
“The gains and progress championed by her leadership [are] at the risk of total regress unless it is ascertained that she is re-elected and her leadership qualities and traits will continually push the development of Quezon City,” ang pahayag ng PDP-Laban Quezon City council.
Samantala, ang National Alliance of Broadcast Unions (NABU) ay naghayag din ng pagsuporta sa kandidatura ni Belmonte bilang reelectionist sa pagka-mayor ng Quezon City.
Ang NABU ay isang umbrella organization ng mga unyon ng mga broadcast workers sa mga TV channels na IBC-13, GMA-7, ABS-CBN, TV5, at PTV-4.
Pinasalamatan ni Belmonte ang dalawang organisasyon sa pag-endoso sa kanya bilang mayor muli ng lungsod.
“These endorsements show that our good governance efforts did not go unnoticed,” pahayag ni Belmonte.
“At the same time, the vote of confidence definitely serves as a big boost for my bid to win a fresh three-year term,” dagdag ng Mayora.