Thursday , March 30 2023
Malacañan CPP NPA NDF

GERA NI DUTERTE VS NPA BIGO — CPP

SEMPLANG ang rehimeng Duterte na pigilan ang paglago ng New People’s Army (NPA), ayon sa liderato ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Sa 20-pahinang kalatas na ipinaskil sa CPP website, sinabi ng Central Committee, matagumpay na binigo ng CPP at NPA si Duterte at kanyang military generals sa patuloy na deklarasyon na dudurugin ang armadong pakikibaka ng mga rebeldeng komunista.

Taliwas umano sa paulit-ulit na pahayag ni Duterte at mga opisyal ng pulisya’t militar na humihina ang NPA ay ang lalong pagpapalakas ng puwersa ng estado para labanan ang NPA at sa katunayan ay nagdagdag pa ng 21 batalyon para sa counterinsurgency operations.

“Despite losses and setbacks in some areas, according to the Party’s leadership, the preservation and successes of the NPA in most guerrilla fronts, however, continue to prove the political superiority of the people’s war against the enemy’s war against the people,” sabi ng CPP-CC.

“The CPP-CC said NPA Red fighters and the masses remain determined to resist based on the correctness and justness of waging armed resistance.”

Anila, patuloy ang operasyon ng NPA sa mga sonang gerilya na nakakalat sa 13 rehiyon ng bansa at suportado ng milyon-milyong mamamayan.

“The Red fighters and commanders of the NPA, and the Party cadres leading the NPA, have displayed great tenacity and determination to bear heavy sacrifices, surmount all adversity and limitations, and exert all efforts to defend the people against fascism and state terrorism,” giit ng Partido.

Kinondena ng CPP ang ‘overspending’ ni Duterte sa militar at pulisya para sa kanilang dagdag sahod, pagbili ng jetfighters, drones, helicopters, bomba, artillery, rifle bala at ibang gamit pandigma.

Ayon sa CPP, itinaas ni Duterte ang defense budget ngayong taon sa P221 bilyon at sa nakalipas na anim na taon, tumanggap ang AFP ng kabuuang $1.14 bilyong halaga ng military assistance sa anyo ng Foreign Military Financing, military training programs at iba pa.

Sa mensahe ng CPP para sa ika-53 anibersaryo ng NPA bukas, inatasan ito ng pitong espesipikong gawain upang itaas ang kapasidad sa paglaban at pagsusulong ng rebolusyon.

Kabilang sa iniatas ang pagpapalakas ng liderato at kasapian ng NPA, puspusang pagsusulong ng armadong pakikibaka at labanan ang brutal na gera ng panunupil ng kaaway.

Gusto rin ng CPP na palawakin at palalimin ng NPA ang batayang masa sa mga prenteng gerilya at humimok ng malakas na suporta mula sa kalunsuran para sa rebolusyonayong armadong pakikibaka.

“We must systematically proselytize among the enemy’s ranks. Aggressively generate international support for the New People’s Army and the Philippine revolution,” anang CPP.

“The CPP leadership said that the people’s war it is leading in the Philippines is currently in the middle-phase of the strategic defensive stage with a clear view towards advancing to the advanced phase through the multiplication of platoons and companies.” (ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …