Thursday , October 3 2024

7 ospital sa Iloilo City kumalas sa PhilHealth

SIMULA sa susunod na taon, 2022, pitong pribadong pagamutan sa lungsod ng Iloilo ang hindi na konektado sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa bigo nitong pagbabayad ng may kabuuang P545-milyong claims nang magsimula ang pandemyang dulot ng CoVid-19.

Kabilang sa mga ospital na kumalas sa PhilHealth ang St. Paul’s Hospital, Iloilo Doctors Hospital, Iloilo Mission Hospital, The Medical City Iloilo, Medicus Medical Center, Qualimed Hospital Iloilo, at Metro Iloilo Hospital and Medical Center na pormal nang ipinaalam sa pamamagitan ng liham sa alkalde ng lungsod na si Mayor Jerry Treñas.

“We are greatly saddened by this action we have to take. However, we are left with no other choice but to ensure the survival of our hospitals so that we can uphold our commitment to offer necessary and quality healthcare to our patients,” ang pahayag ng pamunuan ng pitong pagamutan.

Sa kabuuang P545 milyon, sinabi ng naturang mga pagamutan na tanging 20 porsiyento lamang ang nababayaran sa kanila ng PhilHealth at naipon na ang mga hindi pa naibibigay ng ahensiya simula Setyembre hanggang Nobyembre 2021.

Samantala, kahit pinutol ng pitong pagamutan ang kanilang koneksiyon sa PhilHealth, tiniyak nilang mapagsisilbihan pa rin umano nila ang mga miyembro ng PhilHealth.

“We would continue to serve PhilHealth members and provide statements of accounts for reimbursement and remit employee contributions, but will no longer automatically deduct and process claims,” pagpapaliwanag nila.

Nitong Setyembre, nagsampa ng reklamo ang pamahalaang lungsod ng Iloilo laban sa anim na opisyal ng PhilHealth dahil sa kabiguan nilang magbayad ng claims sa pitong pagamutan.

“I am asking the PhilHealth to find ways to settle the accountabilities with the private hospitals. Since early this year, I tried to mediate between the PhilHealth and the hospitals to no avail,” pahayag ni Treñas nitong Linggo, 12 Disyembre. 

About hataw tabloid

Check Also

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Converge Brgy S2S-Cebu, Matagumpay Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis Na Prepaid Fiber Internet

Brgy S2S – Cebu, Matagumpay: Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis na Prepaid Fiber Internet

Talisay City, Cebu – Nagtipon-tipon ang mga pamilyang Cebuano sa Talisay City Plaza noong Setyembre …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

QCPD Belmonte

Kaligtasan ng QCitizens tiyakin tagubilin ni Mayor Joy sa bagong QCPD

SA PAGPAPALIT ng liderato ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon, mahigpit na tagubilin ni  …

RSTIW In CaLaBaRzon

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) in CALABARZON

Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan. Providing Solutions and …