Monday , October 14 2024
Mary Mitzi Mitch Cajayon-Uy

Cajayon-Uy:
OMBUDSMAN, KAILANGANG REPORMAHIN

KASUNOD ng pagpapawalang-sala sa kanya ng Sandiganbayan sa mga kasong graft at malversation noong 12 Nobyembre 2021 ng Sandiganbayan, sinabi ni dating congresswoman Mary Mitzi “Mitch” Cajayon-Uy, kailangan ang mga kagyat na reporma upang mapalakas at maipatupad ang mga mandato ng Office of the Ombudsman bilang tagapagtanggol ng estado at tagapagtanggol ng publiko.

“Kung ako ay mahalal muli sa Kongreso, ang mga reporma at iba pang mga hakbang ay dapat na maisabatas upang matiyak na ang mga reklamong inihain sa OMB ay sasailalim sa mas mahigpit na pagsusuri bago magsampa ng mga kaso sa mga Korte upang hindi masayang ang pondo ng gobyerno,” ani Cajayon -Uy.

Idinagdag niya, ang mga partikular na reporma na kanyang isusulong ay ukol sa ilang mga proseso ng nasabing institusyon, partikular ang pagsisigurong lahat ng reklamong ihinahain sa Ombudsman ay dapat may kalakip na matibay na ebidensiya gaya ng proseso ng paghahain ng reklamo sa ibang Korte, upang matiyak na may sapat na batayan ang mga kaso at hindi lamang basta black propaganda.

Ayon kay Cajayon-Uy, kailangan ang mga repormang ito para talagang maisakatuparan ng Ombudsman ang mandato at magamit nang wasto ang kanilang pondo.

Sa datos ng legal team ni Cajayon, mula sa P4.82 bilyong budget ng Office of the Ombudsman para sa 2019, P643.2 milyon (51%) ang ginastos sa Anti-Corruption Investigation Program nito, ngunit nagresulta lamang ng 17.88% ang nasampahan ng mga kasong kriminal at administratibo.

Bukod pa rito, P469.3 milyon, o 37.3% ng 2019 OMB budget, ang ginastos sa Anti-Corruption Enforcement Program nito, ngunit nag-ambag lamang ng 25% ng mga kasong kriminal at sibil na inusig at nagresulta sa paghatol ng mga Korte.

“Batay sa mga bilang na ito, tila napakaliit na bahagi ng mga reklamong inihain sa OMB ang talagang case worthy o may sapat na batayan upang makayanan ang imbestigasyon at paglilitis. Ang natitira ay maaaring mga walang matibay na ebidensiya o walang basehang mga reklamo,” ani Cajayon-Uy.

Bukod rito, ipinahayag niyang ang mga opisyal ng gobyerno, tulad niya, na maling kinasuhan ay nahaharap sa torture at obligadong gumastos para depensahan ang sarili.

Habang ang kanilang mga pamilya ay dumaranas ng kahihiyan dahil nabahiran ang kanilang reputasyon dahil sa gawa-gawang kaso na hindi naiwawasto at walang nakukuhang daños perjuicios kapag napaeawalang-sala.

Sinabi ni Cajayon-Uy, sa sandaling mahalal siyang muli ng mga tao sa Kongreso sa 2022, isusulong niya ang pagrepaso sa Ombudsman Act of 1989 at itutulak ang pagsasaalang-alang sa pagpapataw ng mga multa, daños perjuicios, at pagbabayad ng mga legal na gastos ng isang akusado na humaharap sa paglilitis.

About hataw tabloid

Check Also

Tao Yee Tan Marian Capadocia LA Canizares Pia Cayetano Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Wagi sa Asia Pacific Padel Tour – Singapore; Tan-Capadocia unang All-Filipina Champions

Kampeon ang Padel Pilipinas at National Team Members na sina Tao Yee Tan at Marian …

101124 Hataw Frontpage

DOE iginarantiya sa Senado
GEA-3 AUCTION TINIYAK TAPOS NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa mga mambabatas na ang 3rd Green Energy Auction …

101124 Hataw Frontpage

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

ni NIÑO ACLAN BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate …

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …