Friday , October 11 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ngayong holidays
LEAVE OF ABSENCE SA BI BAWAL MUNA

BULABUGIN
ni Jerry Yap

GAYA ng mga nagdaang taon, muling pinaalalahanan ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga taga-airport na umiwas sa pagpa-file ng leave of absence kada okasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Mismong si BI Commissioner Jaime Morente ang nagsabi na bawal ang mag-file ng vacation leaves mula 1 Disyembre 2021 hanggang 15 Enero sa susunod na taon.

Ang ‘no-leave policy’ ng BI ay ipinatutupad sa ganitong okasyon dahil kadalasang marami sa mga kababayan na nasa ibang bansa ang umuuwi kapag panahon ng Kapaskuhan.

Lalo pa nga’t simula noong implementasyon ng lockdown ay maraming balikbayan at OFWs ang nagnanais makauwi muli sa Filipinas.

“This is the time of every year when the services of our immigration inspectors are most needed in the airports. Thus, in the exigency of the service, we have to make a sacrifice to service the travelling public,” pahayag ni Commissioner Morente.

Kundi rin lang daw emergency at medical reasons ay walang leave applications ang aaprobahan sa mga miyembro ng Port Operations Division (POD) hangga’t hindi natatapos ang isa at kalahating buwan na ipinatutupad na prohibition.

        Samantala, inutusan ni Morente ang hepe ng POD  na si Atty. Carlos Capulong na bumuo ng grupo ng “on-call” immigration officers na magdaragdag sa kakulangan ng manpower sa mga paliparan.

        Bukod sa mga immigration inspectors ay nagdagdag din ng mga duty immigration supervisors at administrative staff si Capulong bilang tugon sa direktiba ni Morente.

        Anomang oras ay ganap nang isasalang ang 99 newly hired IOs sa immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pagkatapos ng kanilang dalawang buwan na on-the-job trainees.


MAS MODERNONG TEKNOLOHIYA
PARA SA IMMIGRATION

NGAYONG papalapit na ang katapusan ng 2021, nagsimula nang bumuo ng kanilang plano at programa ang mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) upang mapabuti ang serbisyo ng ahensiya.

Kabilang rito ang plano na palawigin ang modernong teknolohiya at teknikal na pamamaraan sa darating na 2022.

“We now live the computer age. With the rapid rise of digitalization during the pandemic, it is paramount that we keep up especially with the global trends,” ani Morente.

Ayon sa Commissioner ng BI, ngayon pa lang ay nagsimula na silang mag-update ng mga bagong sistema at teknolohiya na magiging kapakipakinabang sa ikagaganda ng serbisyo ng ahensiya.

        Huh?!

        Diyata’t may plano pa yata si Commissioner na mag-extend ng kanyang termino pagkatapos ng administrasyon ni Tatay Digong?!

         “Automation key processes is in the works for the future of the Bureau,” ayon kay Morente. Plano rin pala nila na gawing fully automated ang proseso sa BI para maging mas madali sa publiko.

        “This is our move towards the new normal, and is also in preparation of our submission of priority plans and programs to the Department of Budget Management (DBM) for budget appropriations,” pagtitiyak ni Morente.

        Bukod sa e-gates na sinimulan bago pa mag-pandemic, naipayupad na rin ang online appointment system bilang tugon ng ahensiya upang hindi dagsain ng mga tao ang pagpoproseso ng kanilang transaksiyon sa BI main office.

Sa susunod na taon, maaari na rin magkaroon ng online payment system upang mabawasan ang korupsiyon.

        Hangad ng ahensiya ang tuloy-tuloy na epektibong pananaliksik at pamamaraan para pahusayin pa ang serbisyo nila sa sambayanan.

“As the times are evolving, rest assured that the Bureau is also striving to evolve and improve through strategic planning. This is a step further towards a better Bureau, with technical capacities at par with other countries,” pahayag ni Commissioner Morente.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …