Friday , March 31 2023
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

IATF, NTF, czars at iba pang anti-Covid-19 bodies, anyare?

BULABUGIN
ni Jerry Yap

BUKOD sa pagpapaalala ng basic protocols na mask, hugas, distance, at bakuna, bilang proteksiyon umano laban sa CoVid-19 na may iba’t ibang variants, ano pa kaya ang ginagawa ng mga ahensiyang dapat na nag-iisip ng taktika at estratehiya upang mabawasan, kung hindi man tuluyang masawata ang pananalasa ng malupit na virus mula noong 2020 hanggang sa kasalukuyan.

        Hindi lang ang inyong lingkod ang nagtataka, kundi lahat ng nakakausap natin ay hindi maintindihan kung ano na ba talaga ang nangyayari.

        Kung kailan kasi, sinasabi na marami na umanong nababakunahan, saka naman tumataas ang bilang ng mga nahahawaan ng CoVid-19.

        At ayon mismo sa mga nahawaan, mas matindi, mas mabilis ang pagbagsak ng katawan kung hindi maaagapan.

        Salamat sa teknolohiya at nauusong medical teleconsultation, mabilils na nagkakaroon ng gabay ang mga pasyente kung paano ima-manage ang pagkakasakit.      

        At gaya nga sa sinasabi ng mga awtoridad, hindi garantiya ang bakuna para hindi mahawaan ng CoVid-19, dahil marami sa mga nagkasakit ay may 1st dose na ng bakuna, ‘yung iba nga kompleto na.

        Pero, kung may bakuna umano, hindi magiging severe ang epekto ng virus sa kalusugan ng isang bakunado.

        Sige, tanggapin natin ang mga paliwanag na ‘yan. Pero ang tanong nga, saan ba ginamit ang bilyon-bilyones na pondo na pinakawalan ng gobyerno laban umano sa CoVid-19?

        Ginamit ba talaga ito para lupigin ang corona virus? Bakit hindi humuhupa at lalo pang dumarami ang nahahawaan?

        Bakit maraming nagrereklamong health workers na hanggang ngayon ay hindi nila natatanggap ang kanilang special risk allowance (RSA)?

At dahil sa pagbubukas ng alok ng ibang bansa para sa mga Filipino health workers, marami ang nag-resign sa mga pribadong ospital para mangibang bayan.

Tuluyan na ngang masasadlak sa krisis ang kalagayang medikal ng bansa dahil sa hindi masawatang CoVid-19, brain drain sa hanay ng medical and allied professions, at ang hindi masawatang korupsiyon sa panahon pandemya, bukod pa sa regular na katiwalian, may pandemya man  o wala.

        Kapag tumataas ang mga kaso ng CoVid-19, ang ginagawa ng National Task Force (NTF) ay magbaba ng lockdown. Naturalmente, kapag may lockdown, marami na naman ang mawawalan ng trabaho.

        Pero hindi kasama sa nabibigyan ng ayuda ang mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown. Wala raw kasi sila sa listahan ng local government unit (LGU) para bigyan ng ayuda.

         At saan ka naman nakakita, lockdown ang ilang barangay, o siyudad o probinisya pero bukas na bukas ang airport sa mga dayuhan, lalo sa POGO workers.

        Talagang hindi natin maintindihan kung anong management ba ang ginagawa ng mga awtoridad.

        Araw-araw may dumarating na bakuna sa Airport, pero nagtataka tayo kung bakit marami pa rin ang hindi nababakunahan?

        Araw-araw naririnig at nababasa natin, nananawagan ang gobyerno na dapat magpabakuna, pero saan pupunta para mabakunahan?!

        Nabakunahan na ba ng 2nd dose ‘yung mga naka-1st dose?             

        At sa huli, ano ba talaga ang papel ng OCTA Research? Manghuhula ba sila? Visionary?

        Aba, kapag sinabi ng OCTA na tataas ang CoVid-19 cases, nagtatataasan nga. Ngayon ang sabi nila, bababa na raw ngayong Setyembre ang mga kaso ng CoVid-19.

        Magpapasalamat ba tayo sa OCTA, sa mga sinasabi nila? Habang ang gobyeno at ang mga ahensiyang nakatalaga sa pag-aasikaso ng laban kontra CoVid-19 ay ‘nababaliw’ ngayon sa isyu ng eleksiyon?

        Kung sa ibang bansa ay malaya nang nakapaglalakad nang walang mask at face shield ang kanilang mga mamamayan — sa Filipinas, malapit nang dumating ang panahon na kahit manungaw sa bintana ay katatakutan na ng mamamayan…

        At the expense of Filipino taxpayers who paid billions of pesos to the government.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Katarungan, pangako ni QC Mayor Joy para kay TE Antolin

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKALULUNGKOT ang nangyari nitong nakaraang linggo sa isang traffic enforcer ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Magic trick sa asukal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BATAY sa pinakahuling imbentaryo ng mga kaso na inilabas …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Lumiliit na ang mundo para kay Arnie

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INIIMBESTIGAHAN si Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves matapos …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Nasaan na ang magagaling  na mambabatas?

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi sinasadya o walang may kagustuhan sa nangyaring pagtatapon ng …

Dragon Lady Amor Virata

Transport strike tinabla dahil sa magugutom na pamilya

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI naparalisa at nabigong makakuha ng malaking suporta ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *