Saturday , September 7 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Lockdown hindi solusyon

YANIG
ni Bong Ramos

HINDI solusyon ang pagpapatupad ng lockown sa pagsugpo ng CoVid-19 lalo sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar sa bansa.

Ayon ito sa ilang eksperto, ekonomista, at mga opisyal ng gobyerno na hindi naniniwala na ang lockdown ang solusyon sa pagsugpo at pagpigil sa pagkalat ng CoVid-19.

Lalo anilang pinahihirapan ng lockdown ang madlang people partikular ang mahihirap o poorest of the poor sa hanay ng mga mamamayan.

Isang taon mahigit na rin tayong nasa panahon ng pandemya at tatlong beses na rin isinailalim sa ECQ o lockown ang bansa ngunit wala rin nangyari bagkus ay lalo pang lumala’t dumami ang bilang ng mga taong nagpositibo sa nasabing virus.

Sa mga panahong ito, pabalik-balik lang ang implementasyon ng ECQ, MECQ, at GCQ ngunit hindi rin naresolba ang problema bagkus ay lalo pa itong lumala.

Nagiging robot na de-susi umano ang marami nating kababayan na wala namang ibang magagawa kundi ang sumunod sa utos ng mga ‘hari’ na pinangungunahan ng liderato ng Inter-Agency Task Force (IATF) na nagrerekomenda ng mga nasabing uri ng lockdown.

Manhid at wala yatang pakiramdam ang mga nagpapatupad nito na para bang may intensiyong palawigin habang panahon para sa sarili nilang kapakanan.

Mantakin ninyong sa puspusang roll-out ng mga bakuna at sa rami na rin ng mga bakunado ay lalo pa yatang nag-alboroto ang pagkalat ng virus. Ano na ang nangyari sa inyong mga pagpuulong, pag-aaral at pag-gastos ng salapi ng bayan para sugpuin o pigilan man lang ang pagkalat ng corona virus?

Saan na kaya napunta ang bilyon-bilyong pisong dapat gastusin sa gamot, makinarya, at insentibo ng frontliners partikular ang mga health workers na unang delikadong mahawaan ng kamandag ng salot.

Marami tuloy ang nag-iisip na kayo-kayo lang ang nagkakaintindihan at nakikinabang sa ginagawa ninyong hakbang at programa kuno na lubhang nagpapahirap kay Juan de la Cruz.

Kung obligadong magsuot ng mask at face shield ang ating mga kababayan, suhestiyon naman nila na maskarang bakal ang dapat ninyong isuot dahil sa sobrang kapal ng inyong mukha.

Napakarami ninyong pinag-uusapan at pinaplano ngunit ang lahat ay walang katuturan at sustansiya na ipinapakita sa kasalukuyang kaganapan sa buong bansa na ang inyong mga kababayan ang nagdurusa’t nagsasakripisyo.

Sana naman daw ay maging honest kayo paminsan-minsan dahil nuknukan umano kayo ng sinungaling. Obvious na obvious na pilit pa rin ninyong ideni-deny ang mga kalokohang kinasasangkutan ng mga opisyal sa hanay ninyo.

Talagang ito ang panahon ninyong mga hari dahil sobra ang inyong authority na may kasama pang blessing at konsinti galing sa inyong hari, king of kings ‘ika nga.

Wala raw corruption na nagaanap sa hanay ng mga ahensiya ng administrasyon at kung mayroon man daw at pwedeng itawag agad o ireport sa sariling hotline ng palasyo na direkta agad sa hari ng mga hari.

Kailangan pa ba umano iyon e maliwanag pa sa sikat ng araw ang ulat na isinumite ng Commission on Audit (COA) hinggil sa katiwaliang nangyayari halos sa lahat ng ahensiya ng gobyerno, anyari?

Absuwelto na namn siyempre ang mga bida at tila ang COA pa ang mali at sinisisi sa kanilang mga iniulat, Hesusmaryosep, konting pino naman at delicadeza.

Have mercy, mahabag naman sana kayo sa masang Pinoy na inyo rin namang kakulay at kalugar. Share your blessings na sobra-sobra naman… there’s plenty for everybody daw.

Alam ba ninyo at hindi n’yo ba nararamdaman na nagasawa na at hindi na naniniwala sa inyong palpak na patakarang ipinapairal ang mga tao, bakit kamo? Hindi na raw sila natatakot sa sinasabi ninyong pagkalat ng CoVid-19, mas higit daw nilang kinatatakutan ang pagpapatupad ninyong muli ng lockown dahil mamamatay na raw silang nakatirik ang mga mata dahil sa gutom at hindi dahil sa virus. He he he…

About Bong Ramos

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Senator Cynthia Villar tatakbo para sa kongreso  magpinsang Aguilar maglalaban para sa mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NOONG nabubuhay pa ang yumaong Vergel “Nene” Aguilar, tahimik …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Ano pa ang hinihintay ng DOH sa Mpox vaccine?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI pa naman daw kailangan ng social distancing para sa seguridad …

YANIG ni Bong Ramos

74-anyos lolo, nawalan na ng wallet at cellphone, ikinulong pa

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng isang 74-anyos Lolo na matapos mawala ang wallet …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Sino ba ang dapat managot?

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG ibunyag ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas na sa bansa …

Dragon Lady Amor Virata

Boluntaryong leave of absence isinumite ng Vice-President ng NPC

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGSUMITE ng kanyang leave of absence si National Press …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *