Thursday , June 19 2025
YANIG ni Bong Ramos

Bukod kay Gen. Douglas Mac Arthur
YORME ISKO NAKABALIK RIN SA MAYNILA

YANIG
ni Bong Ramos

BUKOD kay Gen. Douglas Mac Arthur, si Yorme Isko Moreno lang ang muling nakabalik bilang alkalde ng lungsod ng Maynila.

Ayon sa kasaysayan, si Mac Arthur lang ang tumupad sa kanyang pangako sa mga Pinoy matapos niyang bigkasin ang mga katagang “I shall return”.

Ito ay naganap noong kasagsagan ng World War 2 nang sakupin ng mga Hapones ang Filipinas na tinulungan ng mga Amerikano sa pamumuno ni Mac Arthur.

Sa kasamaang palad ay biglang idinestino si Mac Arthur sa bansang Australia na mas kailangan ang kanyang serbisyo at talino sa larangan ng gera.

Ayaw man niyang lisanin ang Filipinas ay wala raw magagawa dahil ito ay kautusan ng nakatataas partikular ni President Dwight Eisenhower.

Ganon pa man ay tinupad pa rin niya ang kanyang sinabing “I shall return” dahil makalipas ang mahigit dalawang taon ay nakabalik siya sa Filipinas.

Sa kanyang pagbabalik ay nagapi ang buong puwersa ng Hapones sa pamumuno ni Mac Arthur na siyang dahilan kung bakit nagbalik sa Filipinas.

Sa larangan naman ng politika, natupad din naman ang hangad ni Yorme na muling bumalik sa Maynila bilang alkalde.

Ang kanyang pagbabalik ay hindi naman aktuwal na galing sa kanyang bibig dahil ito umano ay kahilingan ng maraming Manilenyo na naniniwala pa rin sa kanyang mahusay na pamumuno.

Si Yorme ay bumalik upang bawiin muli ang Maynila sa kanyang mga naging katunggali na umano’y walang ginawang maganda sa lungsod bagkus ay naging dugyot pa sa loob at labas.

Ang mahalaga ay muli siyang nakabalik bilang alkalde ng Maynila upang tugunan ang hiling ng mga Manilenyo at ng mga Batang Maynila.

Marami ang naniniwala sa kanyang kakayahan na gawin muling pamosong lungsod ang Maynila partikular sa kalakaran, disiplina, at kalinisan.

Malakas din ang kanilang pananampalataya sa pag-asenso muli ng lungsod dahil ito ay nagawa na niya noong unang termino niya bilang alkalde.

Harinawa’y hindi mabigo ang mga mamamayan sa kanilang inaasahang pagbabagong iyong ipatutupad bilang alkalde.

GREETINGS

BELATED heartfelt congratulations to the newly-elected Mayor of Balayan, Batangas Lisa Ermita.

She is the youngest daughter of the legendary general, Former defense secretary and executive secretary Eduardo Ermita.

More power and keep on truckin’ Mayor… Mabuhay ka!S

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

‘Di makataong insidente sa bus

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG sinapit ng binatilyong may autism, umalis mula sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

No VIP treatment kay Teves — CSupt. Montalvo

AKSYON AGADni Almar Danguilan ITO ang pagtitiyak ng bagong upong regional director ng Bureau of …

Dragon Lady Amor Virata

Isang bansa payag ‘ampunin’ si FPRRD

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HINDI pa tinukoy ng mga abogado ni Pangulong Rodrigo …

Sipat Mat Vicencio

Pamilya sa lansangan may pag-asa kay Rex

SIPATni Mat Vicencio KUNG naglipana man sa lansangan ang mga taong-grasa at pulubi, higit na nakababahala …

Firing Line Robert Roque

Social media, dapat panig sa katotohanan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG INILAHAD ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa Shangri-La …