Wednesday , December 11 2024

PH local transmission ng Delta CoVid-19 variant, kinompirma ng DOH

KINOMPIRMA ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng mga kaso ng kinatatakutang Delta CoVid-19 variant sa Filipinas.

Ayon sa DOH, ito’y matapos ang isinagawang “phylogenetic analysis” ng Philippine Genome Center at imbestigasyon ng Epidemiology Bureau.

“Clusters of Delta variant cases were seen to be linked to other local cases, therefore, exhibiting local transmission,” sabi ng DOH sa isang kalatas kagabi.

Sa pinahuling ulat, umabot sa 47 ang naitalang Delta CoVid-19 variant sa bansa at lahat ng tinamaan ay hindi pa nabakunahan.

Nauna rito’y sinabi ng OCTA research group, ang paglobo ng kaso ng CoVid-19 sa bansa ay maaaring dulot ng Delta variant.

Kaugnay nito, nangamba ang Philippine Hospital Association (PHA) sa posibleng epekto ng Delta variant sa mga pagamutan lalo na’t kulang sila ng manpower at ang mabagal na pagbabayad ng PhilHealth sa kanilang CoVid-19 claims.

Ang PHA ay binubuo ng mga pampubliko at pribadong pagamutan.

“Sa PhilHealth po, we have been telling them about the problem pero apparently mabagal lang po pagbabayad, nasa 15 percent pa lang ‘yung payment ng claims since March 2020 kaya wala rin kami pambili ng PPE,” sabi ni Dr. Jaime Almora, pangulo ng PHA, sa pagdinig sa Senado kaugnay sa Pandemic Protection Act.

Magugunitang inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PhilHealth na madaliin ang pagbabayad sa mga ospital.

Nagbabala rin siya na magpapatupad muli ng lockdown kapag kumalat ang Delta variant sa bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *