Thursday , April 25 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Mag-ingat sa online trading investment scam ‘MUYUAN66’ NAGLAHONG PARANG BULA (Attn: NBI, PNP anti-cybercrime units)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

UNA, nais po nating magpaalala sa ating mga suki at sa ating mga kababayan na huwag magpasilaw sa mga online trading investment na nag-aalok ng kitang daig pa ang interes ng banko.

Pangalawa, nananawagan po tayo sa anti-cybercrime units ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na sana’y matututukan ang mga ganitong klase ng ‘scam’ na maraming nabibiktima lalo ngayong panahon ng pandemya.

Simpleng-simple lang ang modus operandi ng MUYUAN66, nagpapakilalang online trading investment at isang uri ng financial investment app.

Hihikayatin nilang mag-invest ang isang indibidwal sa alok na 5% ang babalik sa kanila on a daily basis. Ibig sabihin, kung nag-invest ka ng P10,000, mayroon kang P500 a day. Puwedeng i-withdraw agad ‘yan o kaya ay ipunin sa account ng investor.

Pero siyempre, dahil nag-i-invest ka, hindi mo agad kukunin, iipunin mo muna.

Example lang po ‘yang P10,000, dahil marami po ang nag-invest ng daan-daang libo, at mayroon din milyones.

Hindi lang ‘yan, kapag nakapagrekrut ka pa ng bagong investor/s, mayroong komisyon.

Bukod diyan, may ipakikilala pa silang financial advisor sa mga investor para turuan sila kung saan nila ilalagay ang kanilang pera o ang kanilang ROI.

E kung ganyan kainam ang return on investment (ROI), talaga namang maraming maeengganyong mag-invest diyan sa ‘MUYUAN66’ na ‘yan.

Parang napaka-professional ‘di ba? Hindi iisipin ng kahit na sino na ito ay isang scam.

In the first place, sana, naisip din ng mga investor, saan inilalagak ang investment bakit nakakayanan nilang magbigay ng 5% daily ROI?

Siyempre, sasabihin na lang ng investors, hindi na natin problema ‘yun, sila na ang bahala roon.

Pero, isang malaking pero… just like other scams, hindi ito mahahalata sa mga unang buwan. Talagang patitikimin ka nila ng ipinangakong 5% daily ROI.

First month, second month, third month… ay nakikita pa ng investors ang kanilang 5% daily ROI na pumapasok sa kanilang account.

Hanggang nitong July 11, biglang nag-stop ang app at biglang-nag-anunsiyo ng ganitong public notice:

Due to PAGCOR regulatory requirements, digital currency casinos also need to pay taxes to BIR, otherwise they are not allowed to enter the Philippine market. The Tether platform will close the withdrawal function for 24 hours in order to cooperate with the personnel of the regulatory agency to conduct financial reviews. After the verification is completed, the Tether platform will pay corresponding taxes and fees in accordance with laws and regulations, and the withdrawal function will be opened immediately after completion. Taxes and fees do not need to be paid by members, and the Tether platform will pay them. Therefore, we apologize for the inconvenience caused to members! The Tether platform will continue to improve itself and regulate operations under the supervision of relevant departments to contribute to the Philippine national anti-epidemic expenditure. Thank all members for their trust and support!

Nitong July 11 po iyon, pero hanggang ngayon hindi pa rin nabubuksan ang app.

Hindi rin maintindihan ng mga investor kung bakit biglang pumasok ang PAGCOR?

Mukhang ‘lumipad’ na ang inilagak nilang investment sa MUYUAN66.

Arayku!

Paging PAGCOR chief, Madam Didi Domingo, totoo bang alam ng ahensiya ninyo ang operasyon ng MUYUAN66?

Paging Philippine National Police (PNP) and National Bureau of Investigation (NBI) anti-cybercrime units, namo-monitor ba ninyo ang mga ganitong ‘scam’ sa internet?!

Kapag nakuhaan ng pera ang mga biktima, wala na silang magawa. Kahit magdemanda pa sila, hindi naman naibabalik ang kanilang investment.

Paano na ang proteksiyon ng mga kababayan nating nagsisikap kumita sa malinis na paraan?!

Sa huling uusap-usapan sa chat group ng mga biktima, hindi lang milyones, kundi bilyones ang nadale ng MUYUAN66.

Ang saklap!

Tsk tsk tsk…

PALACE COMMUNICATIONS
OFFICIAL SINABON
NANG WALANG BANLAWAN

Nitong nakaraang Lunes, 12 Hulyo, dakong 4:00 pm ay ipinatawag umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang Palace communications official sa Malago Office of PRRD (Malacañang Golf Course), PSG Compound sa Otis, Paco, Maynila. Doon ‘yan sa pagbaba ng Nagtahan Bridge.

Ang nasabing palace official ay matagal na umanong hindi nakikita sa Cabinet meeting kasi nga hindi maganda ang ‘timpla’ sa kanya ng Pangulo.

Ibig sabihin, hindi nasisiyahan sa mga pinaggagawa niya ang Pangulo.

Lalo sigurong hindi siya ‘bet’ ng mga anak ni Presidente Digong.

Pero, ‘yun nga, ipinatawag noong Lunes at sa hindi malamang dahilan ay solo lang siyang pinapunta. Walang driver, walang bodyguard.

Paglabas ni Palace official ‘e parang laglag daw ang balikat. Hilatsang nasabon nang walang banlawan.

Kung anoman ang dahilan, sila lang ang nagkakaalaman.

Ang tanong: sino kaya ‘yang Palace communications official na ‘yan?

Pakibulong naman sa amin, PCOO chief, Secretary Martin Andanar.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *