Tuesday , December 10 2024

P6.6-B plunder, air tight case vs Go, Duterte (Talagang ‘ginahasa’ ang Filipinas) – Trillanes

“THIS is the most airtight case of plunder.”
 
Sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes, ang P6.6 bilyong halaga ng road widening and concreting projects na nakopo ng ama at kapatid ni Sen. Christopher “Bong” Go ang ‘pinakaselyadong’ kaso ng pandarambong o plunder laban sa senador at kay Pangulong Rodrigo Duterte.
 
“Kahit gaano natin paikutin ito, lahat ng ilegal ay andirito and sabi ko nga wala ka nang kailangan ilabas pa. We have the contracts, we have established the blood relations, we have the admission of Bong Go approving authority ang boss niya na si Duterte na kilala natin, nakita mo na kapag tumulo lang ang pawis ni Duterte pupunasan nito. Nakita natin ‘yung proximity niya,” ayon kay Trillanes sa panayam sa The Chiefs sa OneNews kagabi.
 
Upang matiyak umano na walang magaganap na whitewash, isasampa niya ang kasong plunder laban sa Pangulo at kay Go kapag wala na sila sa poder.
 
“I’m making it sure na hindi na ito malulusutan. Hindi n’yo ako pinakinggan noong 2016. Ito tayo ngayon, talagang ginahasa ni Duterte ang Filipinas. So ngayon, we should have to make sure na hindi na mangyayari ito. And we will shout at the top of our lungs , if we need to para lang hindi na mangyari ‘yun,” ani Trillanes.
 
“Legal strategy, bakit ko ipa-file ngayon ito, baka i-whitewash, magkawalaan pa itong mga dokumentong ito. Aantayin ko na lang kapag medyo sigurado na,” dagdag niya.
 
Nauna rito’y isinapubliko ni Trillanes sa isang video na kumalat sa social media ang mga dokumento mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Commission on Audit (COA) kaugnay sa mga naturang proyekto.
 
Aniya, ang CLTG Builders, pagmamay-ari ni Desiderio Lim, ama ni Go ay nabigyan ng 125 road widening projects mula Marso hanggang Mayo 2018 na nagkakahalaga ng P4.89 bilyon.
 
Lahat aniya ng mga proyekto ay sa Davao City o mga lugar sa Davao region.
 
Habang noong 2017 ay nasungkit ng CLTG Builders ang P3.2 bilyong halaga ng 27 projects at ang pinakamalaki ay mula P177 milyon hanggang P252 milyon.
 
Giit niya ang CLTG ay ang inisyal ng buong pangalan ni Go, Christopher Lawrence Tesoro Go.
 
Habang ang Alfredo Builders, pagmamay-ari ng half-brother ni Go na si Alfredo Amero Go ay nakorner ang 59 projects mula Hunyo 2007 hanggang Hulyo 2018 na sa kabuuan ay may halagang P1.74 bilyon.
 
Malaking bahagi aniya ng mga proyekto, halagang P1.3 bilyon ay nakuha sa panahong nakaluklok na sa Malacañang si Duterte, ang pinakamalalaki ay mula P93 milyon hanggang P181 milyon.
 
Gaya ng CLTG Builders, ang mga proyekto ng Alfrego ay sa Davao City o sa Davao region din na karamihan ay road widening o concreting projects.
 
Ayon kay Trillanes, ang suma total ng mga proyektong nakopo ng CLTG at Alfrego ay P6.6 bilyon, ang P5.1 bilyon ay sa unang dalawang taon ng administrasyong Duterte at ang P1.5 bilyon ay noong mayor ng Davao City ang Pangulo.
 
“Maliwanag na ginamit ni Bong Go ang kaniyang posisyon, in connivance with and obvious consent of Duterte as mayor and later on as president, para makinabang ang kanyang pamilya,” wika ni Trillanes sa video.
 
Matatandaan, unang ibinisto ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) ang mga nasungkit na kontrata ng CLTG at Alfrego noong 2018 na ayon kay Trillanes ay kanyang binusisi nang husto hanggang makakuha ng mga dokumento sa DTI at COA.
 
Ipinagkibit-balikat ng Palasyo ang pasabog ni Trillanes at inamin na matagal nang negosyo ng pamilya ni Go ang pangongontrata sa infrastructure projects.
 
“Matagal na pong negosyo ng pamilya ni Senator Bong Go ang pangongontrata para sa infra projects. Tama naman dahil ang sinasabi niya e may mga proyekto daw diumano na 2007 pa. Ano naman pakialam ni Senator Bong Go doon sa mga kontrata na 2007 pa, mukhang naka-shorts ba si Senator Bong Go,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual Palace press briefing kahapon.
 
Taliwas sa pahayag ni Roque, 1998 pa ay special assistant na ni Duterte si Go.
 
Sa isang video message, tinawag ni Go na ‘panis’ na isyu ang isiniwalat ni Trillanes.

About hataw tabloid

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *