Wednesday , December 11 2024

‘Wattah Wattah’ festival tuloy sa San Juan (Basbasan hindi basaan)

INIANUNSIYO ni San Juan City Mayor Francis Zamora nitong Miyerkoles, 23 Hunyo, tuloy ang pag­diriwang ng lungsod ng taunang Wattah Wattah Festival ngayong araw, 24 Hunyo, sa gitna ng pandemyang CoVid-19 liban sa tradisyonal na basaan sa mga dumaraan at mga motorista.

Nilagdaan ni Zamora ang Executive Order No.84 na nagbabawal sa tradisyonal na basaan sa pagdiriwang ng pista upang maiwasan ang banta ng kontaminasyon at mapigilan ang posibleng pagkalat ng virus, gaya ng ginawa ng LGU noong nakaraang taon.

Sa halip, ipaparada sa mga kalye ang imahen ni San Juan Bautista, ang patron ng lungsod, kasama ang mga pari upang mabendisyonan ang mga mananampalatayang residente ng San Juan.

“Bukas na po Hunyo 24, Huwebes, ang pinaka­aabangang selebrasyon sa ating lungsod, ang kapistahan ni San Juan Bautista. Ngunit dahil nasa gitna pa rin po tayo ng pandemya, ay isang taimtim na “Basbasan Sa Makabagong San Juan” ang ating isasagawa imbes ‘Basaan,’” ani Mayor Zamora kahapon.

Pinayohan din ng pamahalaang panlungsod ang mga residente na manatili sa kanilang mga bahay o bakuran upang masaksihan ang parada at pagbebendisyon.

Gayondin, kailangan sundin ang physical distancing at pagsusuot ng facemasks habang sina­saksihan ang parada.

 

About hataw tabloid

Check Also

Jose Manalo Mergene Maranan

Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene  

I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …

VAT Tax Refund for Tourists

VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven

NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz”  Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …

Farmer bukid Agri

Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay

INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz”  Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …

Special Needs Education SNED

Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …

Brian Poe Llamanzares

Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe

HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *