Tuesday , December 10 2024

Sotto kasama na sa ensayo ng Gilas

LUMARGA ang morale  ng Gilas Pilipinas nang makapagmarka  ng tatlong sunod na panalo sa  FIBA Asia Cup Qualifiers final window nitong Linggo sa Clark bubble.

Kasama na ngayon sa  ensayo si Kai Sotto  sa Gilas Pilipinas at handang-handa na sila sa kanilang tune-up game kontra China at bilang paghahanda na rin sa FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Ipinost ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang larawan sa social media nung isang araw  na nagpa-praktis na ang national team sa Angeles University Foundation Gym para sa kanilang tune-up.

Sa tatlong sunod na panalo sa Qualifiers sa Clark ay nakasampa na ang Gilas  sa FIBA Asia Cup na mangyayari sa Jakarta, Indonesia.

Hindi maisasama ang lahat ng 15-man team na naglaro sa Clark bubble.   Magkakaroon pa rin ng pilian sa mga naglaro sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers para sa final 12 na sasabak para sa national squad sa darating na OQT na gaganapin sa Belgrade, Serbia.

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas sa Olympic Qualifying Tournament (OQT) ang hosts Serbia sa Hunyo 30 habang sunod na makakatapat ng national squad ang Dominican Republic sa Hulyo 1.

About hataw tabloid

Check Also

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *