WALA nang buhay, nang matagpuan ang apat na miyembro ng isang pamilya, kabilang ang dalawang bata, sa loob ng kanilang bahay sa lungsod ng Biñan, lalawigan ng Laguna, nitong Martes ng hapon, 15 Hunyo.
Ayon sa Calabarzon police, mula sa ulat ng Biñan CPS, natagpuan ng kapitbahay ng pamilya na si Melissa Loza ang mga bangkay nina Johnny Martinez, 46 anyos; kanyang kinakasamang si Jolly Espinas, 41 anyos; at kanilang dalawang anak na sina Winston, 7 anyos; at Brixton, isang taong gulang, sa loob ng kanilang bahay sa looban ng Bonifacio St., Brgy. Canlalay, dakong 1:00 ng hapon.
Nabatid sa imbestigasyon, sanhi ng kamatayan ni Espinas at ng kanyang dalawang anak ang mga pinsala sa kanilang mga ulo at parehong may busal na facemask ang mga bibig ng mga bata.
Samantala, natagpuan si Martinez na nakabigti sa likod ng kanilang hagdan gamit ang isang taling nylon habang puno ng dugo ang kanyang mga kamay.
Narekober rin ang isang duguang martilyo sa pinangyarihan ng krimen.
Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon at tinitingnan ang anggulong maaaring si Martinez ang pumatay sa kanyang mag-iina saka nagpatiwakal.
Ayon sa mga testimonya ng mga kapitbahay ng mga biktima, madalas mag-away ang mag-asawa dahil sa problemang pinansiyal.
Check Also
Jose Manalo engage na kay EB Babe Mergene
I-FLEXni Jun Nardo GINANAP sa Canada ang engagement ni Jose Manalo sa dating EB Babe member na si Mergene Maranan. …
VAT refund sa turista magpapataas ng appeal ng PH bilang tourism haven
NANINIWALA si Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang mekanismo ng pagre-refund ng value-added tax …
Sa batas ng tarifikasyon at agrikultura
Mas malakas na suporta para sa mga magsasaka ng palay
INAASAHAN ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na makatatanggap ng tulong ang mga magsasaka ng …
Higit 7,000 ‘special needs education’ teachers kakulangan pinuna ni Gatchalian
PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang kakulangan ng mahigit 7,000 Special Needs Education (SNED) teachers …
Tangkilikin sariling atin pero mag-ingat sa online scam — Brian Poe
HINIMOK ni Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, ang mamimili na …