Thursday , September 12 2024

Malls sa lungsod ng Maynila, gagamiting vaccination sites

NAKIKIPAG-UGNAYAN ngayon ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pamunuan ng mga mall para maging karagdagang vaccination sites.
 
Sa pahayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” domagos, apat na mall sa lungsod ang kinakausap nila para maging vaccination sites bukod pa ito sa 18 sites na ginagamit sa ngayon ng lokal na pamahalaan.
 
Tinukoy ni Mayor Isko, ang mga mall gaya ng SM San Lazaro, SM City Manila, Robinsons Place Manila at Lucky China Town Mall.
 
Pinaplano rin nila na magtayo ng iba pang vaccination sites para ma-accomodate ang lahat ng mga nagta-trabaho sa Maynila mapapribado o gobyerno kahit hindi sila residente sa lungsod.
 
Sinabi ng alkalde, masisimulan ang plano kung sakaling dumami at dumating ang mga bakuna mula sa national government bukod sa binili ng lokal na pamahalaan na 800,000 doses ng AstraZeneca.
 
Sakaling dumating ang mga nasabing bakuna, isasama ng Manila LGU sa pagbabakuna ang mga nasa A4 Category kung papayag ang pamahalaan.
 
Muli rin iginiit ni Mayor Isko na kung sapat ang hawak nilang bakuna at hindi natetengga, posibleng matatapos nila ang pagbabakuna o baka naka-90% na sila sa kabuuang bilang ng target na mabakunahan.

About hataw tabloid

Check Also

091224 Hataw Frontpage

BI deputy commissioner itinalagang acting chief

ITINALAGA ng Department of Justice (DOJ) si Deputy Commissioner Joel Anthony Viado bilang officer in …

091224 Hataw Frontpage

19 bayan apektado
ASF PATULOY NA TUMATAAS SA BICOL REGION

HATAW News Team LEGAZPI CITY — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng …

Cebu

Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod

MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …

Quiboloy sumuko

Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO

IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …

Dragon Lady Amor Virata

Alice Guo feeling artista

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *