KAILANGANG-KAILANGAN ng pamahalaan ang pondo ngayong panahon ng pandemya kaya inatasan ng Malacañang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bigyan ng lisensiya ang ilang online sabong sites para maging legal na ang kanilang operasyon.
Ayon kay Atty. Jose Tria Gr., SVP ng Offshore and Online Gaming ng PAGCOR, “Bukod kasi sa hinahabol na income para sa pamahalaan, kailangan na hindi naman naloloko o nadadaya ang mga tumatangkilik ng sabong sa online kaya kailangan talagang bigyan na sila ng license.”
“Pag may license kasi, namo-monitor namin ang kanilang operasyon, galaw, at income,” ani Tria.
Napag-alaman, limang kompanya ang nag-apply ng lisensiya ngunit dalawa pa lang ang nabigyan ng “license to operate” dahil ang iba ay hindi pa nakapagbabayad ng corresponding fees at taxes.
Tanging ang Lucky 8 Star Quest Inc., ng Pitmaster Live, at Belvedere Corp., pa lang ang pinayagang magpalabas ng sabong online.
“The rest na wala pang license ay huhulihin ng mga awtoridad dahil ito ay ilegal at imino-monitor ng Department of Information, Communication and Technology (DICT),” dagdag ni Tria.
Aniya, nakalilikom ang PAGCOR ng P100 milyon kada buwan sa bawat licensed online sabong company.
Check Also
Cebu mayor Rama pumalag vs pagpapakalat ng maling info ng isang opisyal ng lungsod
MARIING kinondena ng kampo ni Cebu Mayor Michael Rama ang ipinapakalat na balita ng isang …
Sa 24-oras ultimatum ng PNP
QUIBOLOY, 4 PA SUMUKO
IMBES arestohin, binigyan ng pagkakataong sumuko ng mga awtoridad ang puganteng pastor na si Apollo …
Alice Guo feeling artista
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …
Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya
ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …
SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official
ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …