SWAK sa hoyo ang wanted na mag-asawang sina Nicasio Yuson, 43 anyos, at Ma. Carlota Yuson, 40, matapos maaresto sa Ignacio St., Brgy. Daang Hari, Navotas City, gabi nitong 26 Abril 2021, sa krimeng pagnanakaw ng koryente.
Dala ang warrant of arrest, agad nadakip si Nicasio sa gate ng kanyang tirahan saka sumunod na naaresto ang asawang si Carlota.
Nagpakilalang marketing officer ng isang banko ang babaeng Yuson samantala wala namang trabaho ang mister.
Ang mag-asawang Yuson ay may tig-dalawang warrant of arrest sa paglabag sa ikalawang seksiyon ng Republic Act 7832 o Anti-Electricity and Electric Transmission Lines/ Materials Pilferage Act of 1994.
Nilalayon ng nasabing batas na bigyang katarungan ang mga tapat na nagbabayad ng buwanang konsumo ng koryente sa pamamagitan ng pagsupil o pagpigil, paghuli at pagpapataw ng multa at pagkabilanggo ng mga magnanakaw ng koryente.
Dalawang beses umanong nahuli ng Meralco ang mag-asawa sa akto ng pagnanakaw ng koryente bukod pa sa hindi pagbabayad ng kanilang bill ng koryente. Napag-alaman ng mga service crew ng Meralco, hindi dumaraan sa metro ng koryente ang kanilang tinitirhan kaya pinutulan sila ng serbisyo at sinampahan ng kaso.
Agad ikinabit ng mag-asawa ang mga ilegal na linya kahit hindi pa nababayaran at naayos ang unang kaso.
Kung mahahatulan, ang mag-asawa ay maaaring mahatulan ng anim na taon at isang araw hanggang 12 taon pagkakakulong, at mga multang itatakda ng korte.
Check Also
Alice Guo feeling artista
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMI ang nakapuna nang matagpuan ang kinaroroonan ng sinibak …
Sa Bacolod
Lalaki nang-hostage ng sariling pamilya, sinakote ng pulisya
ARESTADO ang isang 38-anyos lalaki matapos bihagin ang kaniyang sariling pamilya sa bahay ng kaniyang …
SSS nangakong magbibigay ng social security protection sa mga barangay official
ITINULAK ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Macasaet ang pagiging …
Talamak na mga tulak sa Nueva Ecija at Bulacan swak sa buybust serye
SA PATULOY na pagsisikap ng PRO3 PNP na puksain ang mga gawaing sangkot ang ilegal …
70 plus Chinese nationals ipinatapon pabalik sa China
MAHIGIT 70 Chinese nationals mula sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hubs ang ipina-deport ng …