Thursday , May 26 2022

Community pantry sa Maynila ‘di dapat pakialaman ng MPD (Babala ni Mayor Isko)

INATASAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Manila Police District (MPD) na huwag pakialaman ang mga nagsusulputang community pantry sa Maynila.

Ayon kay Mayor Isko, hindi dapat gambalain ang community pantry dahil malaking tulong ito sa pamahalaan habang hinaharap ang pandemyang dulot ng CoVid-19.

Una rito, sinabi ng organizer ng community pantry sa Pandacan, Maynila, ititigil nila ang operasyon sa pangam­bang maiugnay sa makakaliwang grupo.

Ayon kay Mayor Isko, maaaring magbukas ulit ang Pandacan community pantry at suportado ito ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ni Mayor Isko, maaaring bumisita sa city hall ang mga organizer ng community pantry kung makararanas ng problema.

Nakaka-proud aniya ang mga taga-Maynila dahil lumalaganap sa lungsod ang pagmama­lasakit sa kapwa.

About hataw tabloid

Check Also

riding in tandem dead

Sa Tuao, Cagayan
BARANGAY CHAIR TODAS SA TANDEM

PATAY ang isang barangay chairman na sakay ng kanyang motorsiklo nang barilin ng hindi kilalang …

explode grenade

Sa San Ildefonso, Bulacan,
BAHAY NG KAPITAN HINAGISAN NG GRANADA

NAWASAK ng shrapnel mula sa inihagis na granada ang ilalim ng pick-up truck, pag-aari ng …

Bulacan Police PNP

6 MWPs sa Bulacan isa-isang naihoyo 

ISA-ISANG nahulog sa kamay ng batas ang anim na kalalakihang pinaghahanap ng batas at sinasabing …

rape

Call center agent na katagay hinalay
TEACHER ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking guro matapos ireklamo ng panghahalay sa isang dalagang …

road traffic accident

Nasipa ng baka
RIDER NASAGASAAN NG TRUCK, PATAY

ISANG rider ang binawian ng buhay nang masagasaan ng isang truck matapos masipa ang kaniyang …

Leave a Reply