Monday , September 9 2024
Parañaque

Bakuna sa senior citizens lumarga na sa Parañaque

NAGSIMULA nang magba­kuna sa senior citizens sa lungsod ng Parañaque laban sa CoVid-19 gamit ang bakuna mula sa Chinese biopharmaceutical company na Sinovac kahapon, 12 Abril.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nitong nakaraang Sabado, nakuha ang advisory at guidelines sa pagbabakuna mula sa Department of Health (DOH).

Noong mga nakaraang linggo, hindi pa pinapayagan ang pagbabakuna ng Sinovac sa senior citizens.

Ang mga senior citizens ay maaari nang makatang­gap ng CoronaVac vaccine sa kondisyon na mayroong mahigpit na evaluation sa health status o kalagayan ng kanilang kalusugan.

Binanggit ni Olivarez, mayroon silang 21,000 doses ng parehong bakuna ng AstraZeneca at Sinovac at 16,500 rito ang ginamit na.

Ang scheduled vaccination para sa senior citizen ay sinimulan kahapon, 12 Abril. May kasunod ito sa Miyerkoles, 14 Abril, at Biyernes, 16 Abril, mula 8:00 am hanggang 5:00 pm sa  Ayala Malls Manila Bay Transport Terminal sa bahagi ng Diosdado Macapagal Boulevard.

Paalala ng Parañaque City Health Office sa mga senior citizens, magsuot ng facemask, face shield, magdala ng sariling ballpen, alcohol, pagkain, at tubig.

Tanging ang mga nasa master’s list na senior citizens ang tatanggapin sa vaccination site. Kailangang dalhin ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ID, health certificate, at medical clearance.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Sa ilang araw na lang bago ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, …

Krystall Herbal Oil

Warts sa gilid ng ilong natuyo, nabakbak dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                I’m 49 …

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

Pormal nang binuksan ng Department of Science and Technology – National Capital Region (DOST-NCR), sa …

Carlos Yulo ArenaPlus

Sa makasaysayang tagumpay sa 2024 Paris Olympics
DigiPlus, ArenaPlus pinarangalan si Yulo, niregalohan ng P5-M cash

TINANGGAP ni double Olympic gold medalist and ArenaPlus brand ambassador Carlos Yulo — nasa gitna …

Senators discuss legalization of Medical Cannabis Bauertek Cancur

Senators discuss legalization of Medical Cannabis

 Lawmakers scrutinized the legalization of medical cannabis in the Philippines during its second reading at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *