Tuesday , October 15 2024

Obligasyon ipinasa ng DOH sa LGUs

IPINASA ng Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan ang res­ponsibilidad sa pag­papatupad ng triage system sa CoVid-19 patients upang isalba ang pabagsak nang health care system sa bansa.

Ayon kay Veregeire, unang ipatutupad ang triage system sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, susunod sa Gitnang Luzon at Calabarzon o Region IV-A hanggang umabot sa buong bansa.

Batay sa nasabing estratehiya, susuriin ng local health workers kung kailangang dalhin sa ospital o quarantine facility ang isang taong positibo sa CoVid-19 base sa sintomas.

“This is a layer we are trying to include in the structure. Puputulin natin ang structure na from the home or the LGU, [people go] straight to the hospital,” sabi niya.

Sa ganitong paraan aniya ay magiging mas organisado ang proseso at may layunin na mapaluwag ang mga pagamutan.

Base aniya sa isinagawang census ng DOH, karamihan sa mga pasyenteng may CoVid-19 sa mga ospital ay may mild symptoms o kaya’y walang sintomas o asymptomatic.

“Tayo ay nakakuha na ng census sa mga hospital, how many are asymptomatic and mild who are currently admitted in our hospitals, and we will start to extract them from the hospitals and bring them sa mga naitala natin na [to the available] beds from local governments,” sabi niya.

Idinagdag niya na iuugnay ang triage system sa One Hospital Command Center at sa mga ambulansiya na gagamitin ng local health workers sa pag­da­la sa mga pasyente sa mga pagamutan. (RN)

About hataw tabloid

Check Also

Produksiyon ng sutla pinalawak sa Laguna

Produksiyon ng sutla pinalawak sa Laguna

PINALAWAK ng Department of Science and Technology – Philippine Textile Research Institute (DOST-PTRI) SEDA Pilipinas …

Alan Peter Cayetano DENR

Cayetano sa DENR  
RECLAMATION PROJECTS TUTUKAN

DAPAT magsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng komprehensibong pagsusuri sa mga …

101324 Hataw Frontpage

GEA-3 pricing mechanism hinimok sa ERC, isapinal na

HINILING ng Senado sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kanila nang isapinal ang presyo ng …

101324 Hataw Frontpage

Premyadong manunulat desmayado sa mandatong pagbasura sa MTB-MLE

HATAW News Team LABIS na ikinadesmaya ng isang premyadong makata at manunulat ang mandato na …

Mas maraming ‘4Ps students’ nakikinabang sa tertiary education subsidy — Gatchalian

PINURI ni Senador Win Gatchalian ang pagdami ng mga benepisaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *