Saturday , October 12 2024
Taguig

Taguig LGU namigay agad ng stay-at-home food packs sa unang araw ng ECQ

SA UNANG araw ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at apat na karatig probinsiya nitong Lunes, agad sinimulan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pamimigay ng food packs sa bawat pamilyang Taguigeño.

Nagbahay-bahay ang mga miyembro ng Barangay Affairs Office at Mayor’s Action Team upang ipamigay sa 28 barangay sa Taguig ang mga ayuda nitong Lunes ng hapon.

Sa kabila ng patuloy na pagbubukas ng mga tindahan ng pagkain pati ng mga grocery, restaurant para sa take-out at delivery services, siniguro ni Mayor Lino Cayetano na may darating na stay-at-home family food packs sa mga pamilyang Taguigeño upang hindi na sila lumabas ng bahay at ma-expose sa banta ng CoVid-19.

“Ngayong linggo ay kailangan nating maging ligtas. Dito po muna tayo sa piling ng mga mahal natin sa buhay, sa ating household, sa mga pamilya natin,” wika ni Mayor Lino Cayetano sa mga Taguigeño isang araw bago ang pagpapatupad ng ECQ.

Siniguro rin ni Mayor Lino sa mga residente na ang lokal na pamahalaan ng lungsod Taguig ay patuloy na magbibigay kalinga sa mga tao.

“Sa aking mga kababayan, dito sa lungsod ng Taguig, patuloy po ang pangangalaga namin sa inyo. Bayanihan po tayo. Ang lungsod natin ay kilala sa pagkalinga at pag-aaruga sa isa’t isa.”

“The City Government will always be here for those who need it the most,” dagdag ni Mayor Lino.

Ang Taguig City stay-at-home food packs ay kompletong magbibigay ng supply ng tatlo hanggang limang araw para sa pamilyang may limang miyembro. Kasama rito ang bigas, mga delata, kape, energy drink at hygiene/anti-CoVid kit na may kasamang facemasks, face shields, alcohol at sabon para masiguro na protektado ang mga tatanggap nito laban sa CoVid-19 virus.

“Itong one week na ito ay makatutulong sa atin para lalong mapababa ang ating mga kaso sa lungsod. Ang Taguig ay patuloy na may lowest number ng active cases sa buong Metro Manila. At naniniwala ako, pag tayo’y nagtulungan, kaya rin natin babaan pa lalo,” saad ni Mayor Lino.

Aniya, importanteng bahagi ito ng #RoadToZero campaign ng Taguig LGU. (BONG SON)

About hataw tabloid

Check Also

PNB Every Step Together Rebranding Campaign of the Year copy

PNB’s ‘Every Step Together’ named as Rebranding Campaign of the Year 

Philippine National Bank (PSE: PNB) was given the recognition, Rebranding Campaign of the Year in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …

SM Foundation clinches CSR Company of the Year at the 15th Asia CEO Awards

SM Foundation clinches CSR Company of the Year at the 15th Asia CEO Awards

SM Foundation, the social good arm of the SM Group, has been named Corporate Social …

Krystall Herbal Oil

Ubo, sipon sa amihan dapat paghandaan sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Connecting Continents: The Impact of ICTSI’s Operations in Nigeria on Philippine Trade and Development

INTERNATIONAL Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) has established itself as a global leader in port …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *