Tuesday , October 15 2024

Estriktong quarantine ipatupad — SBG

NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go sa lahat ng law enforcement agency na ipatupad ang estriktong quarantine.

Ang pahayag ni Sen. Go ay bunsod ng ginawang pag-aproba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim muli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, gayondin ang mga kalapit nitong lalawigan ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna simula ngayong araw, 29 Marso, hanggang 4 Abril.

Ayon kay Sen. Go, marapat na magpatupad ng mas estriktong quarantine restrictions sa mga lugar na may mataas na kaso ng CoVid-19, partikular sa greater Metro Manila Area upang mas mabilis na matugunan ang mabilis na pagkalat ng sakit.

“Today, I welcome the approval of President Duterte of the recommendation of the IATF to place NCR, Bulacan, Rizal, Cavite, and Laguna under ECQ effective March 29 until April 4,” ani Go, sa isang pahayag.

“Umaapela ako sa taongbayan, kaunting tiis lang po. Para ito sa kapakanan nating lahat. Ang ating sakripisyo, pagsunod sa patakaran, at tiwala sa awtoridad ay makapagliligtas ng buhay ng kapwa natin Filipino,” apela ni Go.

Aniya, mas makabubuti kung patuloy na magbabayanihan at magmamalasakit ang lahat para sa ating kapwa, lalo sa frontliners natin na binubuwis ang buhay para gampanan ang kanilang tungkulin.

“Ang ating kooperasyon ay paraan upang mapagaan ang pinapasang hirap ng buong sambayanan,” dagdag ng Senador.

Nanawagan si Senador Go sa publiko, “gamitin ang panahong ito upang magpahinga at palakasin ang ating pananampalataya sa Diyos lalo ngayong Semana Santa.”

“Marahil, sinusubok lang ng Panginoon ang ating katatagan bilang Kanyang mga anak. Sariwain din natin ang naging sakriprisyo ng Panginoong Hesus sa pamamagitan ng ating pagmamahal sa ating kapwa.  Ang sabi nga ng awit sa simbahan, ‘walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang… Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa,” seryosong pahayag ni Go.

Pahabol ni Go, “For us to heal as one and recover as one, we must act as one!”  (30)

About hataw tabloid

Check Also

101324 Hataw Frontpage

GEA-3 pricing mechanism hinimok sa ERC, isapinal na

HINILING ng Senado sa Energy Regulatory Commission (ERC) na kanila nang isapinal ang presyo ng …

101324 Hataw Frontpage

Premyadong manunulat desmayado sa mandatong pagbasura sa MTB-MLE

HATAW News Team LABIS na ikinadesmaya ng isang premyadong makata at manunulat ang mandato na …

Mas maraming ‘4Ps students’ nakikinabang sa tertiary education subsidy — Gatchalian

PINURI ni Senador Win Gatchalian ang pagdami ng mga benepisaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) …

Bato dela Rosa Kerwin Espinosa

Sa rebelasyon ni Espinosa  
‘BATO’ MATIGAS NA ITINANGGI, ‘DEADMA’ VS QUAD COMM

MARIING pinabulaanan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng akusasyon laban sa kanya …

EJK Victims

Hustisya para sa mga biktima ng EJKs hangad ng QuadComm – Chair Barbers

NANGAKO ang Quad Committe ng Kamara de Representantes na tutulong sila para maigawad ang hustisya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *