Wednesday , October 4 2023
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Solido Pala-oñe-s wagi sa plebisito

BIGO ang kahidhiran sa kapangyarihan ng mga makukuwarta o sabihin na nating milyonaryong politiko para hatiin at paglaruan ang mga solidong Palaweños.

Kaya naman bilib at saludo tayo sa Palaweños nang ilampaso nila sa botong 172,304 kontra 122,223 ang pagnanais ng ilang politiko na hatiin ang lalawigan ng Palawan upang pagpiyestahan ang mga distrito nito para katawanin sa Mababang Kapulungan.

Malinaw na tinanggihan ng mga residente sa lalawigan ng Palawan ang mungkahing hatiin sa Palawan del Norte, Palawan del Sur, at Palawan Oriental ang napakayamang lalawigan sa MIMAROPA Region.

Natuto na ang mga Palaweños sa karanasan nila sa Malampaya gas field project na kinasangkapan lang sila pero hindi napunta ang kinita sa kaunlaran ng Palawan.

Isang partylist representative raw kasi ang nag-aambisyon na maging Speaker of the House. Pero dahil hindi siya regular congressman, hindi kalipikadong maging Speaker.  

At sa kanilang ‘talinong-matsing’  ng kanyang mga kasabwat, Palawan ang kanilang tinarget.

Wattafak!

Hindi nakontento sa mauling na baybayin ng Manila Bay at gusto pang sakupin ang kapuluan ng Palawan?!

Oy, bawasan naman ninyo ang kahidhiran ninyo, mga kagulang-gulang ‘este’ kagalang-galang (ka ba?) na mambabatas. 

Tantanan na ninyo ang mga taga-Palawan. Hindi naman sila basta lang naging taga-Palawan. Ang mga residente ngayon sa Palawan ang instrumento kung bakit ‘habitable’ na ang lalawigan.

Sila ‘yung mga pinag-homestead noong panahon na ang Palawan ay kinatatakutan dahil sa mga buwaya at endemic na malaria.

Sa kabila noon, dinala nila ang kanilang pamilya sa nasabing lalawigan upang hawanin ito at linisin hanggang maging habitable.

Hindi iilang pamilya ang nawalan ng mga minamahal sa buhay nang dapuan ng malaria. Habang ang iba ay nilamon nang buong-buo ng mga buwaya.

Hanggang maging sibilisado ang nasabing lalawigan, at naging tourist destination.

Tapos ngayon ay balak angkinin lamang ng ilang hidhid na politiko?!

Alam nating hindi titigil ang mga hidhid na politiko para pagsamantalahan ang maliliit nating kababayan sa Palawan.

Sana’y patuloy na palakasin ng mga Palaweño ang kanilang puwersa at sana’y huwag silang sumuko laban sa kahidhiran ng mga politiko.

Huwag sana nilang kalimutan na ang baryang iniaalok ng mga hidhid na politiko ay kapalit ng payapa nilang pamumuhay sa kapuluan.

Mabuhay kayo Palaweños!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Chicken food chain tambayan ng salisi gang

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata DATI nang modus operandi ang laglag-barya gang, ikaw na …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Zamboanga City Jail, kauna-unahang BJMP Gray Dove Awardee

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINARANGALANG Best Jail Facility nitong 21 Setyembre 2023 ang Zamboanga City Jail-Male …

Sipat Mat Vicencio

 ‘Wag n’yong ‘paikutin’ si Digong

SIPATni Mat Vicencio SILIP NA SILIP ang diskarte ng mga tusong politikong gustong gamitin at …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Tsokolateng dollar bills

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NA-HULICAM sa umano’y paglunok ng dollar bills na nagmula …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *